NOTIFICATIONS
kazucrossfaith just posted a photo. 1mNapatigil ako sa pag-scan ng notifications sa tab nang mabasa ko na nagpost si Kazuki sa Instagram. Pandalas tuloy ako ng open ng IG acct para masilayan ang favorite Crossfaith member ko. None other than Kazuki Takemura, the guitarist.
Gusto ko sanang mag-comment ng I missed you, too! kaso dyahe, e. Buti na lang at si doggie ang namimiss nya sa halip na tao, lalo na kung babae. Nakakapangselos kasi. Ako kaya ang future girlfriend ni Kazu baby.
Hashtag Ambisyosa Izza.
Minsan lang mangarap, e. Atleast, sa kanya ako nalululong at sa music nila kaysa naman sa drugs. Inspiration ko kaya sila! Nakaantabay nga ako sa SNS nya like Twitter, Instagram at Facebook. Ang saya lang kasi friends kami sa Facebook.