"Meow..."
Naudlot ang paglalakad ko papasok sa bahay nang may pusa na nakatayo sa harapan mismo ng gate namin.
"Hello, kitty! Ang cute mo naman. Fluffy pa!" Teka, Sanrio character yata 'yong greetings ko sa pusa.
"Meow . . ." ungot nya nang marahan kong haplusin ang ulo nya.
"Naligaw ka siguro. Sana makita ka ng Master mo, paniguradong nag-aalala 'yon. Sa ngayon, ako muna ang mag-aalaga sa 'yo," binuhat ko na si mingming at behave naman siya.
"Meow . . ." Feeling ko tuloy ay kinakausap ako ng pusa. Ipapaalam ko na rin kay Mimi dahil mahilig sa pusa ang kaibigan ko na 'yan.
Si Mimi ay anak ng kapatid ng vocalist ng coldrain na si Masato. Nandito sila sa Pilipinas para magbakasyon ngayong summer. Kahit malayo ang age gap namin ng batang 'yan ay magkasundong-magkasundo kami, napakabibo pa nya at mabilis umintindi.
Pagpasok sa bahay ay agad kong inilagay ang pusa sa isang basket na nilagyan ko ng cover. Sakto naman na hindi ko naitapon ang basket kaya may tutulugan si mingming. Naglagay din ako ng gatas sa plastic container at maliksi naman nya 'tong ininom.
"Alam mo, may kamukha kang pusa. Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita," sinagot naman nya ako ng Meow, as usual.
Solo flight lang ako rito sa bahay. Regalo ng parents ko last year kasi gusto kong maging independent. Hindi naman 'to kalakihan kaya hindi ko na kailangan ng maglilinis dahil ako na rin mismo ang naglilinis. Marunong din naman ako sa gawaing bahay, I can even cook my own food.
Pwedeng-pwede na pala akong mag-asawa. Kaso ni boyfriend ay wala ako. Nasa right age na rin naman ako, kaso masyado akong busy. Busy sa pagfafangirling. Kidding aside. Naniniwala naman ako na there's a right time on anything.
Pagkatapos kumain ng tanghalian ay tumambay muna ako sa may garden at nakabuntot si mingming. Nagsuot ako ng earphones at hinanap ang playlist ko sa tab na puro coldrain songs. Makapag-check muna ng Instagram account.
The small simple lies poison everything
One by one killing all of the memories
Now it's time to put this heart out of its misery
Cause I've been dying, dying for too longPost agad ni Katsuma ang bumungad sa 'kin at saka ko naalala kung sino ang hawig ng pusang kinupkop ko.
"Look mingming, hawig mo ang pusa ni Katsuma." O, 'di ba pati pusa kinakausap ko na rin? Iniharap ko sa kanya ang tab ko. Inilagay nya ang paw nya sa mismong mukha ni Katsuma sa screen. Hindi pa nakuntento, dinilaan pa nya. Pambihira!"Ate Vahrie!"
Agad akong napatingin sa may gate dahil sa tumawag sa pangalan ko. Mabilis namang tumakbo ang pusa papunta sa gate na animo kakilala nya ang dumating.
"Mimi! Tamang-tama, may naligaw na pusa sa'min. Mahilig ka sa pusa, 'di ba?" Pinagbuksan ko siya ng gate.
"Ate, siya ang nawawalang pusa ni kuya Katsuma!" Kinalong pa ni Mimi ang pusa pagkaupo sa bench.