Chapter 3 - Banggaang Nadine at Marcela

37 7 0
                                    



CHAPTER 3

Ilang linggo lang ang lumipas matapos ang insidenteng iyon sa pagitan nina Arthur at Nadine ay balitang-balita na sa loob ng campus ang relasyon nina Arthur at Marcela. Kay Marcela nga ibinaling ni Arthur ang pagtingin kaya sobrang tuwa naman ng una heto nga't inaasar na naman nito si Nadine.

"Alam mo ba na ganadong-ganado ako ngayon sa pag-ensayo kasi nakamit ko na sa wakas ang inspirasyon ko." Kasalukuyan silang nasa theatro dahil may practice sila ng play para sa 50th celebration ng SDA.

"Really, I'm happy for you." Hindi naman nagpadala si Nadine sa pang-aasar at kaartehan ni Marcela.

"Siguro naman wala ka ng rason pa para agawin siya sa'kin dahil ako ang pinili niya at dapat lang na alam mo kung saan ka dapat lumugar."

"I know my place from the very start." Matapang na sagot ni Nadine. Saka naman niya naisipang gantihan ang pang-aasar nito. "Did you ever know if where is my place in Arthur's life?" tanong niya muna. Umiling naman ito at napakunot-noo. Halatang hindi rin nito alam kung saan nga ba. "No other than in his back because he is just my bodyguard." Nakitaan niya ng inis ang mukha nito pero nagtimpi lang ito kaya lalo niya itong iinisin para sumabog ito sa galit. Kapag nangyari iyon makakaganti na siya sa ginawa nito sa kanya noon sa canteen. "So Marcela, it means to say that we should always be together in order to fulfill his duty and everytime I need his service he should always available." Kitang-kita niya kung paano napalitan ng sobrang pagkainis ang masaya nitong mukha kanina at siguradong sa susunod na sasabhin niya ay hindi na nito maaalala pang ngumiti man lang. "And I just want to clarify something. Arthur will never ever be my type. Having an affair with a bodyguard is so cheap but to warn you, don't be too sure about your current status right now. You need to guard your Arthur's heart not to fall for me." Umuusok na sa galit si Marcela sa mga huling kataga niya at hindi niya napigilan ang matawa dahil sa kapangitang rumehistro sa mukha nito. Parang gusto niya tuloy magpa-party sa labis na kagalakan. Ang hindi niya alam ay wala sa kanya ang huling halakhak.

"Sisiguraduhin ko na hinding-hindi mangyayari ang lahat ng mga pinagsasabi mo Nadine."

Kinabahan siya ng marinig ang pamilyar na tinig ni Arthur. Namutla siya at nawala ang ngiti sa mga labi niya nang paglingon ay makita niya itong puno ng galit.

"Mag-reresign na ako bilang tagapangalaga mo para sa mahal kong si Marcela."

Masakit man pero kailangan niyang lumaban. Hindi siya puwedeng lumabas ng theatro na talunan. "How sweet! Why don't we give him a round of applause!" nang-uuyam na anyaya niya sa mga naroon habang pumapalakpak. Nagkantiyawan at naghiyawan ang mga naroon. "Enough!" pigil niya sa kaguluhan kaya muling namayani ang katahimikan. Matapang niyang hinarap si Arthur. "About your resignation, you are free to do what you want. And don't even think na nalulungkot ako sa desisyon mo dahil matagal ko na itong inaasam-asam and thanks to you Marcela because I made it early more than I expected without exerting so much effort. Arthur, don't worry about my Dad, I will explain everything to him." Alam ng puso ni Nadine na hindi niya gusto ang pananakit na ginagawa kay Arthur pero naiipit siya at pinangungunahan ng matinding pride. Kung hindi siya magmamatigas siya ang maiiwang luhaan kaya kahit masakit sa parte nya na saktan ito ay pinagpatuloy niya.

Tigagal naman si Arthur sa mga narinig mula sa bibig ng babaeng minamahal at iningatan niya ng matagal. Nasaktan na nga siya ng husto sa mga una nitong mga kataga harapan pa nitong sinabi sa kanya na gusto na talaga siya nitong mawala sa buhay nito. Gusto niyang gumanti ng mga salita pero hindi niya kaya.

"What's happening there?!" singit ng bakla na tagapamahala ng play nila. "Kayo talaga kaloka kayo! Sige magsibalik na kayo sa mga puwesto ni'yo. Magsisimula na tayong mag-practice! Arthur, Nadine, eksena niyo ang kukuhanan ngayon."

Paradise Promises Land Book 1-5 (Teenage days) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon