Martharap Restobar"Jane hindi mo naman kailangang umalis sa samahan. Ang mahalaga naging totoo ka sa pakikipagkaibigan sa'min," pigil ni Nica sa pagpapaalam ni Jane. Nagbabalak na kasi ang huli na bumalik sa buhay nito sa probinsiya matapos ang pagsisiwalat ni Stella na ex ni Joshua sa tunay na pagkatao nito bilang maralitang nagpapanggap na mayaman.
"Buo na ang desisyon ko, Nica. Patawarin n'yo ko sa paglilihim sa tunay kong pagkatao. Kung una pa lang naging totoo na ako, hindi sana umabot sa ganito. Masaya ako na sa ikli ng panahong nilagi ko rito kayo ang mga naging kaibigan ko. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan." Gustong tumulo ng luha ni Jane pero pinigil niya.
"Hindi mo naman kailangang umalis, Jane. May pangarap ka kaya ka pumunta rito 'di ba?" si Miguel 'yon. Lalo lang siyang nalungkot.
"Ihingi n'yo ko ng tawad kay Josh. Alam kong siya ang pinaka-nasaktan sa nangyari."
"Pipilitin kong paliwanagan si insan para sa 'yo," akbay pa ni Miguel.
"Kung hindi ka na namin mapipigilan. Group hug na lang tayo, pwede?" Si Krissy 'yon. Naglapitan ang lahat at nag-group hug. Sina Joshua at Caly lang ang absent. Ang huli dahil pinaghihigpitan pa rin ito ng ina na makihalubilo sa kanila.
"Punta ka sa eighteenth birthday ko ha," paninigurado ni Nadine.
"Hindi ako makakapangako pero susubukan ko, Nadine." Nakita niyang papalapit si Tita Martha sa kinaroroonan nila.
"Jane, kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako. Bukal sa loob ko ang pagpapaaral sa 'yo sa mamahaling eskwelahan dahil pamangkin kita. Kadugo kita, Jane kahit itinakwil ng mga magulang namin ang iyong ama dahil sa pagpili niya sa iyong ina hindi ibig sabihin no'n hindi na tayo magkakadugo. Hindi kita pipigilan sa desisyon mong umuwi muna para mapagnilay-nilayan mo ang mga pagkakamali mo rito pero kapag gusto mo ng bumalik at magpatuloy, nandito lang ako."
Nayakap niya ang tiyahin. "Salamat Tita Martha!" Hindi na napigilang maluha ni Jane. Naging emosyonal ang lahat sa pag-alis nito.
Lumipas ang isang buwan, nagpatuloy ang lahat sa pakikipagsapalaran sa buhay. Sa bahay ng mga Anderson ay may nagaganap na pagpapalayas.
"Wala kayong kasing sama!" nanggigigil sa galit na sigaw ni Nadine sa kanyang madrasta matapos nitong palayasin ang ilan sa mga katulong sa bahay.
"Akin ang bahay na 'to. Isa pa, kailangan nating magtipid. Kung inaalala mo ang mga gawaing bahay dito, 'wag kang mag-alala dahil makakasama mo na ang nag-iisang chimay na itinira ko. Pasalamat ka nga nagtira pa ako ng makakasama mo kaya magpakabait ka." Tinalikuran agad siya nito.
"How dare you!" susugurin niya sana ang madrasta pero pinigilan siya ng nag-iisang katulong na tinira nito, si Aling Rosie.
"Siyanga pala, mula ngayon sa servant's quarter ka na matutulog."
"What?! Sumusobra ka na! Hindi ako papayag!"
"Naliliitan si Clariz sa kwarto niya at alam kong ang kwarto mo ang isa sa pinakamalaki sa bahay na 'to bukod sa master's bedroom. Kung ayaw mo sa servant's quarter makipagpalit ka kay Clariz."
"Palayasin n'yo na lang ako!" mangiyak-ngiyak na pakiusap niya. Halos katabi ng kwarto ni Clariz ang kwarto ni Peter kaya siguradong hindi siya magiging safe sa manyakis nitong anak.
"Kung gusto mong makaalis sa poder ko mag-asawa ka na para maging legal ang pagpapaalis ko sa 'yo."
"Ipokrita ka! Hindi mo naman sinunod lahat ng nasa last will and testament ni Daddy kaya bakit mo pa kailangang sundin ang rule sa pag-aasawa? Paalisin n'yo na lang ako rito."
BINABASA MO ANG
Paradise Promises Land Book 1-5 (Teenage days)
Teen FictionWalang hanggang pagkakaibigan ang pangako ng labing-dalawang magkakaibigan sa lugar na tinawag nilang Paradise Promises Land. Ang kwento ay magsisimula sa pagkabata hanggang marating nila ang adulto. Ang Book 1-5 ay mostly teenage days.