CHAPTER 2
"Gising! Gising na po kayo senyorita." Naalimpungatan si Nadine sa pag-alog ni Aling Rosie sa kanya. Pagtingin niya sa relong pambisig ay alas-kwatro pa lang ng umaga.
"Ang aga naman Aling Rosie, inaantok pa ako." Pupungas-pungas siyang tumayo pero napaupo uli siya dahil nauntog siya sa second deck ng double bed na higaang 'yon. "Aray ko..." Nagising ang sistema niya sa untog na dinanas. Inapuhap niya ang parte ng ulo na nauntog.
"Bakit hindi na lang po kasi kayo sa dating kwarto ni Ma'am Clariz, ayan tuloy nauntog pa kayo saka senyorita hindi kayo bagay dito ang sikip-sikip dito."
Napatingin siya sa servant's quarter. Mas malaki pa ata rito ang closet room niya. "Mas gusto ko na rito Aling Rosie kaysa naman makatabi ko ang kwarto ng manyakis na anak ng madrasta ko."
"Sabagay, ilang beses na po kayong pinagtangkaan ni Sir Peter pero ayaw maniwala ni Madam. Hayaan n'yo po, senyorita sisikapin ko pong maglinis ng isang abandonadong kwarto para sa inyo. Ayoko pong nahihirapan kayo dito. Mas may karapatan naman po kayo sa bahay na 'to kumpara sa mga sampid na 'yon."
"Salamat Aling Rosie."
Nagtungo sila sa kusina para maghanda ng almusal pero hindi naman siya nito pinapakilos. Magpapanggap lang daw siya kapag naroon ang mga kontrabida pero nagpapaturo pa rin siya sa mga ginagawa nito in case na kailangan niyang magpanggap at least alam na niya.
Maaga ring nagising ang mga nag-camping. Habang nag-aalmusal ng tinapay na may palaman at mainit na kape ay tinabihan siya ni Osang.
"Ikaw ha, kunwari ka pang inis kay Kyle," nanunudyong anito. Patay malisya siyang hindi umimik. "Nakita ko kayo kagabi nagtatawanan. Ang lakas nga ng tawa ni Kyle."
"Magaling kasi mag-joke 'tong si Trexie, pwede maging komedyante." Speaking of the devil heto na naman ang papansing si Kyle.
"Talaga? Seryoso kaya nito palagi parang laging may kasong sinosolve."
"Siyempre sa'kin lang lumalabas ang pagkakwela niyan kasi special ako."
"Wow! Kailan ba hihina ang hangin mo? Lakas eh."
"Malakas talaga dating ko, Trexie." May pakindat-kindat pang nalalaman.
"Ew! Lumayo ka nga. Doon ka sa grupo mo," taboy niya rito.
"Mamimiss mo rin ako." Napilitan itong umalis.
"Ang tindi talaga ng pagka-crush sa 'yo ni Kyle. Don't tell me hindi ka kinikilig? Kakakilig kaya."
"Ew! Isa ka pa." Buti na lang nagtawag na ang lider kaya nag-umpokan na sila. Habang nagsasalita ito ay napatingin siya sa gawi ni Kyle. Sobrang tamis ng ngiti nito, 'yong tipong napapa-cute sabay kindat. Pinamulahan siya bigla at sa sobrang hiya ay itinuon na lang niya ang sarili sa nagsasalitang lider nila.
Habang nagmamap ng sahig si Nadine ay inis na inis siya. Hindi pa kasi siya nakakaligo. Kating-kati na ang buong katawan niya heto nga't may mga red rushes na. Pawisan at gulo-gulo ang nakapusod na buhok. Pakiramdam niya isa siyang basahan, masahol pa sa map na ginagamit niya. Naulinigan niya ang boses ni Clariz. Ang bruha mukang may kasama pero hindi niya pinansin, pinagpatuloy niya ang ginagawa.
"Oh, meet our new maid, Arthur."
Nagtama ang paningin nila ni Arthur. Halatang nagulat ito sa nakita pero mas nagulat siya dahil nakikipaglandian ito kay Clariz.
"Bagay sa kanya, 'di ba?" pang-aasar na ani Clariz sabay abrasa kay Arthur. "Pinaparanas lang namin sa kanya kung paano maging maralita. Masyado kasi siyang nagbuhay prinsesa."
BINABASA MO ANG
Paradise Promises Land Book 1-5 (Teenage days)
Genç KurguWalang hanggang pagkakaibigan ang pangako ng labing-dalawang magkakaibigan sa lugar na tinawag nilang Paradise Promises Land. Ang kwento ay magsisimula sa pagkabata hanggang marating nila ang adulto. Ang Book 1-5 ay mostly teenage days.