¤ I: Chewy Hair ¤

982 32 11
                                    

G/N: Sorry for typos and sorry kung magulo pa ngayon pero maiintindihan niyo din sa mga susunod na chapters. Votes and comments are highly appreciated. Labyu all~ 💞😘

~*~

Chynne's Pov


I'm just a simple girl. Hindi ako katulad nung mga babae sa paligid. Hindi ako pala-kaibigan, sabihin na nating para akong nerd pero hindi. Hindi ako mahilig sa books and hindi ako nagsu-suot ng salamin. Mahilig ako sa sports, pero hindi na ako pinags-sport kasi asthmatic akong tao.

"Chynne!" tawag sa akin ni Amina.

"Hi Amina! Asan si Maxinne?" tanong ko.

Binatukan naman ako ni Amina.

"Aray! Bakit mo ko binatukan?" tanong ko sabay pout.

"Tsk! Kasama niya nga si Bianca!" sabi ni Amina.

Nagpout na lang ako. Okay, sabihin na nating may tatlo akong babaeng kaibigan. Yun lang ang friends ko.

"Tara na nga sa room, nap-pre-occupied na naman yang utak mo!" sabi ni Amina and sinukbit ang braso sa braso ko.

Pumunta na kami sa room namin at andun yung dalawa kong baliw na kaibigan, tumabi kami sa kanila.

"Hi Chynne!" bati nung dalawa.

Inirapan ko silang dalawa, "Bakit kayo umalis kaagad kahapon?! Iniwan niyo ko!" reklamo ko.

"Nako! Nagdrama na naman." sabi ni Maxinne at patuloy pa din sa sinusulat niyang assignment.

Seriously, ang assignment sa bahay ginagawa hindi sa school! Assignment nga diba?

"Hindi ako nagd-drama, ah!" sabi ko.

May binato sa akin si Bianca, buti na lang nasalo ko kaagad.

"Chocolate?" tanong ko.

"Kainin mo yan para hindi ka na magdrama, hehe." sabi niya.

Sinimangutan ko siya, "Baliw!" sigaw ko sa kan'ya.

"Aish! Ang ingay naman! Parang nasa bundok." reklamo ni Kenzo na nasa harap ko.

Napa-irap na lang ako, ito talagang Kenzo na 'to! Ang kj! Tawa naman ng tawa yung tatlo, pumunta ako sa harap niya at tinignan naman niya ako. Nagbow ako sa kan'ya.

"Sorry, Mr. Marquinez." sabi ko.

"Hey, stupid! Get out of my sight!" inis niyang sabi.

Kumunot naman yung noo ko sa kan'ya, "May regla ka ba palagi? Dinaig mo pa yung mga babae sa sungit mo, eh! May napkin akong extra kung gusto mo." sabi ko.

Tumawa naman si Chase na kaibigan ni Kenzo.

"Pfft! Chynne, 'di kailangan ni Kenzo ng napkin! Kailangan niya ng katahimikan hahaha." sabi ni Chase.

Kumunot yung noo ko, "Katahimikan? Sa outer space meron 'nun." sabi ko.

"Shut up, Montenegro! Just go back to your seat!" inis na sabi niya.

Napa-pout ako, bwisit! Umupo na ako sa tabi nila Amina at saktong dumating na yung prof namin.

~*~

Kiefer's Pov

Kanina pa ako nakatingin sa mga kotseng dumadaan. Ang tagal naman.

"Asan na ba si Ate Kiana, Ken?" tanong ko.

"Parating na daw, Kuya Kiefer. Si Kuya Kenzo, 'di siya makakasama sa pagsundo sa atin kasi may pasok daw." sabi ni Ken.

"Okay. Ganyan naman yang Kuya mo, eh!" sabi ko sabay tumawa.

Kakauwi lang namin ni Ken from California. Nagbakasyon kasi doon si Ken, kaya nakasabay ko siya ngayon pauwi. Kapatid niya si Kenzo.

"Ayun na pala si Ate, eh!" sabi ni Ken at napatingin kami sa white na kotse.

Lumabas doon si Ate Kiana.

"Hi Ate Kiana!" bati namin ni Ken.

As usual, niyakap na naman niya kami. Ito talagang si Ate Kiana, oh!

"So, Kiefer. Sa amin ka ba muna tutuloy?" tanong ni Ate Kiana.

"Opo, Ate hahaha. Miss ko na kasi yung bestfriend kong bugok!" sabi ko.

"Nako, miss ka na din ni Kenzo." sabi ni Ate.

Sumakay na kami sa kotse ni Ate Kiana. Lagot talaga sa akin si Kenzo mamaya, namiss ko ang bugok na yun!

~*~

Chynne's Pov

M

insan iniisip ko kung bakit andaming hibla ng buhok ng mga tao, ang hirap kasi suklayin, eh! Nga pala, kanina pa ako naka-uwi galing sa school, at ngayon naman nagsusuklay ako ng buhok ko.

"Ate Chynne! Ang tagal mo naman magsuklay!" reklamo ni Chesca.

Binato ko sa kan'ya yung suklay.

"Aray, Ate!" reklamo ni Chesca.

"Tss! Pakisabi nga kay Kuya Carl, 'di na ako kakain at umalis ka na dito sa kwarto ko." sabi ko.

Lumabas naman siya at sinara yung pinto. Sinubsob ko yung mukha ko sa study table ko. Nab-bored na ako, huhuhu. Biglang may nagtext sa akin.

From: Kenzo

3 pm, gym. Tomorrow, don't be late stupid.

Napa-irap na lang ako sa text niya, ano naman ba gusto ng mokong na 'to?!

*knock knock*

Pumasok si Kuya Carl sa kwarto ko.

"Chynne Ayessa, bakit 'di ka kakain?" nakakatakot na tanong ni Kuya.

Napakagat ako ng ibabang labi ko at tumingin sa kan'ya.

"What the f--! Anong nangyare sa buhok mo?! Bakit andaming chewing gum?!" tanong ni Kuya.

Nginitian ko siya ng alanganin.

"Hehe, napagtripan yung buhok ko...?" sabi ko.

"Nino?" tanong ni Kuya.

Nagpout ako, "Kenzo baliw." sabi ko.

"'Di ka pa rin ba tinitigilan 'nun?! Aish!" sabi ni Kuya.

Paktay na! Bahala na si Kenzo sa buhay niya, malaki na siya! Hmph! Wala na akong pake sa gagawin ni Kuya sa kan'ya.

To be continue..

~*~

G/N: Paalala po, silang tatlo ang bida dito okay? So may pov din si Kiefer, hehe. How was the first chapter? Magulo ba? Hehe. Sorry na!

Same Girl [A JaDine Fan Fic] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon