¤ IX: "East High" ¤

94 7 3
                                    

~*~

Chynne's Pov

Bakit ba ang hilig ng mga teachers magpagawa ng sobrang daming gawain? Geez. Is this a revenge kasi ganito sila noon? Tsk.

"Okay class, bukas may mga booths---!" sabi ni Ma'am.

"Really?!"

"Anong meron Ma'am?"

"Sana may Marriage Booth! Kyaaah!"

"Settle down, class. May mga booths bawat section, it's because Foundation Day natin bukas!" sabi ni Ma'am.

Kan'ya-kan'ya naman silang ingay. Foundation Day? Anong nakain ng Principal at nagpa-booth siya? Dati kasi, ang plain lang ng Foundation Day namin.

"And, dahil may mga booth na ang ibang sections. I decided na isali na rin ang section natin, ang booth natin ay Dr. Love," sabi ni Ma'am.

Dr. Love? Tsk. Anong kagaguhan 'to? Hay nako.

"Uy girl! Alam naming bitter ka, halata sa face mo! Hahaha!" sabi ni Amina sabay hampas sa braso ko.

This girl, aish. Kung hindi lang siya kapatid ni Kif, nabatukan ko na 'to.

"Maga-advice tayo sa mga students about love! Well, seniors naman na tayo kaya may experience na tayo about love, hahaha," sabi ni Maxinne.

"Ikaw Max may experience sa love? Kailan pa? Hahaha!" sabat ni Bianca.

Umirap na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Bakit ba excited sila sa Foundation Day? Tss.

"So, maghanda kayo class---!" napatigil si Ma'am sa pagsasalita at tumingin sa pintuan.

Walang ganang pumasok si Unggoy sa room. Lahat kami sa room ay napatahimik na lang. Boss na boss kung kumilos. Hindi man lang nag-abalang mag-good morning kay Ma'am. May nakasalpak sa tenga niya, medyo messy yung buhok niya, at ang cold ng presence niya--- 'di na ako magtataka. Tumingin siya sa aming lahat at tumango lang kay Ma'am. Problema niya?

"Good morning, Mr. Marquinez," sabi ni Ma'am.

Tinanggal niya yung isang earphone sa tenga niya, "tawag ka sa Principal's office," sabi niya.

Ang galang-galang naman nitong unggoy na 'to! Grabe! Tinignan siya ni Ma'am.

"Mr. Marquinez, ang aga-aga para sa jokes. I'm discussing some---!"

"Do you think I'm joking? Narinig ko yung pangalan niyo doon," cold na sabi ni unggoy.

"Narinig? Anong ginagawa mo sa Principal---"

"Can you please shut your mouth? She's my auntie by the way, may 5 minutes ka na lang," sabi ni unggoy at binalik na yung earphone sa tenga niya.

"What?" sabi ni Ma'am at agad na umalis ng room.

Napa-crossed arms naman ako, geez.

"Sino ba magaling magadvice dito? Para siya si Dr. Love," sabi ni Maxinne.

"Ako! Ako! Gusto mo sample?" sabi ni Bianca.

"Sige, dali! Hmm, bigyan mo ko ng advice, for example nag-break kami nung boyfriend ko---!" sabi ni Max.

"Pero ang masaklap na katotohanan, wala kang boyfriend, bes," sabi Amina.

"Ouch bes, truth hurts," sabi ni Bianca.

Same Girl [A JaDine Fan Fic] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon