¤ VI: Kuya and Ate ¤

95 7 0
                                    

Dedicated to: victoryaaaaaaaa

This chapter is dedicated to you, thank you for supporting my story. Enjoy! :D

~*~

Chynne's Pov

Ang tahimik ng paggala ko dito sa mall pero dahil nga sa ginawa nitong unggoy na 'to, wala na, 'di na natahimik yung mall o kahit man lang yung pagiisa ko!

"Say sorry to her, unggoy," utos ko.

"And why the fuck I'll apologize to her?" masungit na tanong ni Kenzo.

Sinamaan ko siya ng tingin, "dahil una sa lahat, hindi naman niya sinasadya na mabangga ka. Tapos sisigawan mo siya? Say sorry to her," sabi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay, "woah, woah! Ms. Montenegro, you're out of this shit. Why are you interferring?" sabi niya.

Ngumisi ako. Hindi ko alam kung pinalaki ba siya ng maayos ng mga magulang niya or sadyang bad attitude na talaga ang meron siya nung bata pa lang? Tumingin ako sa babae.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kan'ya.

Tumango naman ito, "o-opo, salamat po," sabi niya.

Tinignan ko ulit si Kenzo, "mags-sorry ka o sisipain kita?" tanong ko.

"What the fuck? Tsk, fine," sabi niya at nag-cross arms, "I'm sorry!"

Umirap ako at nagpaalam na doon sa babae. Ayoko na palalain yung eskandalo, masyado nang maraming tao, eh. Naglakad na ako palayo, ayoko na din kasi makita yung mukha ni Kenzo. Ang panget, eh.

Umupo ako sa mga bench, hays, nami-miss ko na yung Kuya Carlo ko. Ba't ba ayaw niya kay Kenzo? Dahil sa ugali? Well, I don't like his attitude either.

"Pagkatapos mo akong pilitin na mag-sorry sa babaeng 'yun, iiwan mo ko?" sabi ni Kenzo na hindi ko namalayang katabi ko na pala.

"Bakit ka nandito?" masungit kong tanong.

Ngumisi naman siya, "mall 'to 'di ba? Its free for people to roam around," sabi niya.

"Alam ko, pero ba't andito ka sa tabi ko? Kailangan dito ka rin gumala? Doon ka oh! Tsk!" sabi ko at sumandal sa bench.

"Bakit? Pagm-may-ari mo ba 'tong mall?" tanong niya.

"Putek," sabi ko at tinignan siya ng masama, "pwede ba bigyan mo naman ako ng peaceful time? Lagi ka na lang nagpapakita sa akin na parang multo, eh!"

Tumayo siya at hinila ako. What the? Baliw na yata 'tong Kenzo na 'to.

"Hoy! Bitawan mo yung kamay ko! Saan ba tayo pupunta?!" tanong ko.

"Nagugutom ako," sabi niya.

Nasa food court na siya kanina, ah? Bakit 'di pa siya kumain doon? At teka, kakain siya pero sinasama ako? Abnormal na ata 'to.

"Can you let go of my hand? Feeling close ka! 'Di naman tayo friends, putek. At kung nagugutom ka, kumain ka mag-isa mo!" sabi ko.

'Di siya nagsalita at hawak niya pa din yung kamay ko. Bingi ba 'to? Pishtea. Maya-maya naman ay tumigil na din siya sa paglalakad, oh thank God! Ang sakit na ng kamay at paa ko, eh. Tumingin ako sa paligid, bakit bigla na lang siya napahinto? Tsk.

"Akala ko ba nagugutom ka? Ba't ayaw mo pumasok sa loob?" tanong ko.

Seryoso lang siya nakatingin sa loob ng isang restaurant, nakatingin siya sa isang lalaki at babae na seryosong nag-uusap. 'Di ko maaninag yung mukha nung lalaki kasi medyo malayo siya at half langng face ang unting nakikita. Naka-side view kasi siya.

Same Girl [A JaDine Fan Fic] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon