Best friend to Girlfriend

4.4K 181 0
                                    


Five Years Ago...

"Wow.. so at last napana na rin ni kupido ang pihikang puso ni Althea Guevara." nakangiting wika ni Jade. "So what makes you change your mind?"

Napabuntong hininga si Althea at sumimsim sa orange juice na in-order niya. Kasalukuyan silang nasa canteen. "Siguro dahil.... mahal ko na siya?" Tugon niya.

Tumawa si Jade. "Oh c'mon Althea.. mga bata palang tayo kilala na kita. At ang salitang mahal kita ay wala sa vocabulary mo. Kaya please lang, wag mo ko gamitan ng ganyang words."

"Alam mo, grabe karin ano. Hindi ba pwedeng nag bago na ang isip ko at gusto ko ng mag ka boyfriend kaya ko sinagot si Ben? Isa pa, mukha namang madali lang mahalin si Ben eh." Tugon niya.

"Well best friend goodluck to that. Pero pupusta ako. One week lang then, maghihiwalay na kayo ni Ben." Nakangiting wika ni Jade sabay tayo.

"O saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Uhm there's this cute guy na nakilala ko sa mall kahapon. Magkikita kami ngayon kaya, gustuhin ko mang samahan ka ngayon para pag usapan yang pag sagot mo kay Ben, sayang lang din yung oras. Mag hihiwalay din kayo, after one week." Wika nito.

"Grabe ang sama mo din. Pero Teka, alam ba ni Jay yang kalandiang ginagawa mo?" Patungkol niya sa boyfriend ni Jade.

"Uhm... who's Jay?" Tumawa ito saka nito hinalikan sa pisnge si Althea. "Alis na ako.." sabay lakad.

"Hoy Jade!" Sigaw niya pero di na siya nito pinansin at tuluyan ng lumabas sa canteen na iyon. "Yeah right. Ako na naman magbabayad sa kinain niya ngayon."


=/=/=/=/=/=/=/=/=/



Nagising si Althea dahil sa ring ng cellphone niya. Kinapa niya iyon sa side table at nakapikit na sinagot ang tawag. "Jade.. matulog kana.. bukas mo nalang ako kwentuhan kung sinong lalaki na naman iyang nakilala mo." Sagot niya. Di na kailangang basahin kung sino ang tumawag sa kanya. Dahil wala naman ibang tumatawag sa kanya sa dis oras ng gabi kundi si Jade lang.

"Althea...."

Napadilat siya bigla. "Umiiyak ka ba?"

"Althea.... I need you right now."

"Ha?" Napatingin siya sa time ng cellphone niya. "Jade, 2am na. Ano na naman bang nangyari?"

"Althea... wala na kami ni Jay. Puntahan mo ako dito ngayon please.. I need my best friend."

"The last time we talk sabi mo wala kang kilalang Jay, and now iiyak iyak ka dyan." Sumbat niya.

"Althea naman.. puntahan mo nalang ako ngayon dito sa bahay please. Nakikiusap ako. Nasasaktan ako."

May choice ba siya? Wala. Kaya kahit ayaw ng katawan niya pilit parin siyang bumangon at nagbihis. Kung may award lang sana para sa mga ulirang best friend, for sure siya ang mananalo.


=/=/=/=/=/=/=/=/=



At the moment...


Ever since si Althea na ang karamay ni Jade sa lahat ng bagay. Lalo na sa tuwing nasasawi ito sa pag ibig. Katulad ngayon. Di naman kaila sa kanya ang pagiging playgirl ni Jade. At sanay na siya dun. Sanay na siya sa kadramahan nito sa tuwing nagkakaproblema ito sa mga nakaka relasyon. Para saan pa at naging best friend siya nito.
Kaya ganon nalang ang gulat niya sa sinabi nito.

"Althea, can you be my girlfriend for one week?"

Wait.What?!

"Jade, ano bang pinag sasabi mo?" Shock niyang tanong.

"Althea just for one week... just to forget David." Sumamo nito.

"Ano? Wait. Alam mo ba iyang pinag sasabi mo ha?" Mukhang sasakit ang ulo niya ngayon.

Tumayo ito mula sa pagkakasalampak sa sahig at hinarap siya nito. "Alam ko. At seryuso ako Althea."

Nakagat niya ang ibabang labi saka napahalakhak. "This is ridiculous."

"I thought your my best friend?"

"Exactly. Jade I am your best friend. Nakahanda akong tulungan ka sa lahat ng pagkakataon. Gusto mong kalimutan si David? Okay. Pero hindi sulosyon iyang hinihingi mong pabor." Paliwanag niya.

"Pero ito lang ang naiisip kong paraan. Isa pa wala namang malisya ah. At sayo na mismo nanggaling. Nakahanda kang tulungan ako sa lahat ng pagkakataon." Tugon nito.

"Pero hindi ngayon. God! Bakit mo ba pinipilit iyang gusto mo? Jade.... h-hindi tayo talo. Makakalimutan mo si David sa ibang paraan."

"Mahirap ba ang hinihingi ko Althea?" Napaluha nanaman ito. "Alam ko naman na... na pareho tayong babae. Pero gusto ko lang talaga makalimutan ang lahat ng sakit na nararanasan ko ngayon."


Nagulat siya ng hawakan nito ang kamay niya.

"Just for one week and after that we're done. Just help me for the last time Althea... best friend?" Sumamo nito.

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ito.

"Be my girlfriend for one week. Please Althea."



A/n: uhg sorry bout this chapter po. Peace..








One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon