Napahinto si Althea sa pagbuhos muli ng alak sa baso niya ng pigilan siya ni Ben. Kunot noong tiningnan niya ito. "Ben wag. I need this."
Umiling ito saka kinuha ang bote ng alak sa kamay niya. "Kanina ka pa umiinum. Ano bang problema Althea at naglalasing ka?"
She take a deep breath. "First, hindi ako nag lalasing. Second, wala akong problema and third, c'mon Ben party mo ngayon, pwede bang wag kang KJ." Akmang aabutin niya ulit ang bote ng alak. Pero inilayo nito tuluyan sa kanya ang bote. "Ben naman!"
"Hindi kana iinum Althea. Gusto kong kausapin mo ako ng matino." Seryuso nitong wika. "Now tell me, anong problema?"
Tinitigan niya lang ito. "Wala nga akong problema." Diin niya.
"Sige ipilit mo pa." Tugon nito bago hinawakan ang kamay niya na nasa ibabaw ng table. "Althea I'm here to listen. Kausapin mo lang ako."
Muli ay tinitigan niya lang ito. Napayuko din siya bigla.
"Is it about Jade?"
Bigla siyang napaangat ng mukha. "At bakit mo naman yan naisip?"
"Ramdam ko kanina yung tension sa pagitan niyo ni Jade." Tugon nito. Yeah hanggang ngayon ay nasa party parin sila nito. Nasa bahagi sila ng bar kung saan makakapag usap sila ng maayos.
Nag iwas siya ng tingin. "Hindi tungkol kay Jade, Ben. May ibang dahilan."
"O c'mon Althea, sa akin ka pa ba mag sisinungaling?"
Hindi siya sumagot.
"Althea you can trust me, like the way that I trusted you. Now tell me please, anong problema niyo ni Jade? Tungkol ba to sa pagiging lesbian niya? Tinago niya ba sayo at di mo matanggap? Eto rin ba ang dahilan kung bakit parang nasira pagkakaibigan niyo? I'm sorry pero napansin kong hindi na kayo ganun ka close ni Jade di tulad dati." Hinala nito.
Napabuntong hininga siya. "Wala akong problema sa kung anong kasarian meron si Jade, Ben. Just like you tinanggap ko sa sarili ko kung ano siya. Oo nabigla ako, dahil all this time nilihim niya sa akin kung ano talaga siya. But there's one big reason kung bakit nasira pagkakaibigan namin ni Jade. At di ko yun matanggap Ben. Mahirap para sa akin cause she's just.... my best friend." Paliwanag niya.
"Oh my god! Did she? Wait.. gusto ko sayo manggaling.." mas lumalim ang hinala nito.
Dahan dahan siyang tumango. "Inamin niyang m-mahal niya ako Ben. Yun din yung araw na nalaman ko ang totoo tungkol sa kung ano talaga siya." Naramdaman niya na ang pag init ng sulok ng mga mata niya. "You see Ben, kung inamin niya lang sa akin na lesbian siya matatanggap ko naman eh, after all wala namang magbabago sa friendship namin.." napahinto siya bigla. "Pero iba na.. kung pagbabasehan yung sinabi niyang mahal niya ako." Tuluyan ng tumulo mga luha niya.
"At di mo yun matanggap?"
Umiling siya. Habang patuloy parin ang pagpatak ng mga luha niya.
"Paano mo matatanggap kung sa sarili mo ayaw mo ring tanggapin kung ano ka talaga Althea.."
Nagulat siya sinabi nito. "S-sinasabi mo ba na, na katulad ni Jade... l-lesbian din ako?"
Tumango ito.
Tumawa siya. "Nababaliw ka naba Ben? Ipapa alala ko lang sayo na kanina lang pinakilala mo ako sa mga tao bilang flagpole dahil nga straight ako diba? So bakit ka nag iisip ng ganyan sa akin?" Di talaga siya makapaniwala.
"Kanina yun, bago ko nakita ang mga titig mo kay Jade. Althea it's very obvious that you have the same feelings for her. Nahihirapan ka lang aminin ang bagay na yun."
BINABASA MO ANG
One Week
Fanfiction"Oh my God I love you so much" PLEASE support my fourth story bout JATHEA.. (begging) hihi! Peace