Party

3.4K 169 37
                                    

2 Months Later...

"Jade let's go! Kanina pa naghihintay sila Abby at Lovi." Sigaw ni Batchi mula sa baba ng apartment niya.

Muling tiningnan ni Jade ang sarili sa salamin bago napangiti.

"Jade! Ano, buhay kapa ba dyan?" Sigaw ulit nito.

Itinirik niya ang mga mata niya bago siya lumabas sa kwarto niya at nagmamadaling bumaba.

"Wow!" Tulalang wika nito.

"How do I look?" Nakangiti niyang tanong bago umikot sa harapan nito.

"P-perfect. Kung di lang kita kaibigan, for sure liligawan kita Jade." Nakangising sagot nito. "Your so gorgeous."

Tumawa siya. "No offense, pero di kita type Batch. At wag mo na ulit iyan sasabihin. Lalo na sa harap ni Abby. Kung ayaw mong mapabilang sa mga taong nagmahal pero iniwan dahil sa katangahan."

"Wow lalim nun ah. Isa pa, mabait kaya ako. Hindi ako gagawa ng dahilan para iwan ako ni Abby." Tukoy nito sa bagong girlfriend nitong si Abby.

Tinawanan niya lang ito. "So let's go?" Aya niya.

"Let's go!" Masiglang tugon nito.

Tumawa lang siya.




=/=/=/=/=/=/=/=/=





"Cheers!"

Natatawang tinungga ni Jade ang laman ng baso niya bago nilibot ang paningin sa paligid. Nasa lesbian and gay party sila. Actually isang lalake ang host ng party na to. Isang lalaking gusto mag come out ngayong gabi mismo.

"Babe eyes here.."

Bigla siyang napabaling kay Lovi saka napangiti. Lovi is her girlfriend. Kung paano? Di niya rin alam. Basta nagising nalang siya na katabi ito sa kama. At di makakailang may nangyari sa kanila nung araw na iyon dahil sa mag katabi lang naman sila na naka hubad. Kaya mula nun ay lage na silang nagkikita ni Lovi. Si Batchi din ang dahilan kaya sila nagkakilala.

"Lov, hayaan mo namang tumingin sa iba yang si Jadey." Tumatawang wika ni Batchi.

"At bakit ko namang hahayaan tumingin sa iba si Jade?" Taas kilay na sagot nito.

"Relax guys." Tumatawang awat niya. "Don't worry babe, sayo lang mga mata ko at alam mo yan. Bakit pa ako titingin sa iba gayong nasa harapan ko na ang pinaka maganda sa buong mundo." Okay. Nag sisinungaling talaga siya, nasasabi niya lang ito para sa ikaka saya mismo nito.

Ngumiti ito ng matamis bago nito ikinawit ang mga braso nito sa leeg niya at hinalikan siya.

"Oh c'mon guys.." reklamo ni Batchi sa kanila. "Kakaumpisa palang ng gabi, don't tell me sa kama na kayo hahantong niyan?"

Napapailing na inilayo niya ang mukha mula kay Lovi. "Abby patahimikin mo nga yang girlfriend mo." Kunway inis na baling niya kay Abby.

"Anong girlfriend?" Sabat na naman ni Batchi. "Boyfriend kamo." Nakangising bangit nito sabay akbay kay Abby.

Napailing na lang siya. "Sa totoo lang Batch. Hindi ko alam kung bakit ka sinagot ni Abby. Wala kasi akong nakikitang magandang dahilan."

"Oh trust me Jade, kahit ako di ko rin alam. Minsan nga naisip ko, baka ginayuma ako ng mokong na to." Nakangiting sagot ni Abby sa sinabi niya.

"Grabe sila oh." Reklamo ni Batchi. Sabay baling nito kay Abby. "Sa sinabi mo parang nag sisisi ka ah. Nakakasakit ka ng damdamin Mahal." Sabay hawak nito sa dibdib.

Tumawa lang siya sa ka-OA-han ng kaibigan, sabay baling niya kay Lovi. Narinig niyang nilalambing ni Abby si Batchi at ang magaling niya namang kaibigan ay pakipot kunwari. Muli niyang inilibot ang paningin sa loob ng bar, bago bumaling ulit kay Batchi na ngayon ay parang ahas na nakapalupot kay Abby. "Batch.." tawag niya.

One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon