Love vs Friendship

3.5K 161 32
                                    

"Nasisiraan kana ba Jade ha?!" Sigaw ni Batchi.

Si Jade na nakayuko lang habang nakaupo sa sofa. Kinwento niya dito ang nangyari sa kanila ni Althea isang linggo na ang nakakaraan.

"At talagang ngayon mo lang sinabi sa akin?" Dagdag nito.

Napaangat siya ng mukha saka sinalubong ang mga tingin nito. "Batch naguguluhan ako..."

"Kailan kaba hindi naguluhan?" Nakapamaywang na tugon nito sa harapan niya. "Your always confused Jade."

Muli siyang napayuko. Wala siyang laban dito. Lalo pat alam niyang tama ito at mali siya.

"Kaya pala tawag ng tawag sa akin si Lovi that time at umiiyak kasi nagawa mo siyang pagtaksilan?!"

Muli siyang napaangat ng mukha. At napakunot noo. "I'm not Batch. Nagkausap kami ni Lovi bago... bago may nangyari sa amin ni Althea. Inamin ko sa kanyang mahal ko si Althea." Sagot niya.

"Pero hindi ka nakipag hiwalay sa kanya Jade. Sa kabila ng pag amin mo na mahal mo si Althea, umaasa pa rin si Lovi na babalikan mo siya. At hindi parin yun sapat para gawin mo to sa kanya. Your being unfair Jade."

Bigla siyang napahinto. Hindi nga siya nakipag hiwalay ng tuluyan kay Lovi.

"Anong balak mo Jade ha? Itulad si Lovi kay David na nilayuan mo nalang basta basta at hindi kinlaro ang breakup niyo ganun?"

Nanginginit na ang sulok ng mga mata niya. Hindi parin siya makasagot.

"From the first place Jade, di mo dapat pinatulan si Althea nung oras na iyon. Ikaw na mismo nagsabi na lasing siya diba? You should've know kung paano pipigilan sarili mo." Wika nito.

Yeah right. As if naman mapipigilan niya pa sarili niya. "Ikaw ba Batch kung kasama mo yung taong matagal mo ng minamahal, mapipigilan mo pa ba damdamin mo?"

"Oo. Lalo pat alam kong mali ang ginagawa ko at mas lalong alam ko na wala naman talaga siyang pagtingin sa akin." Sagot nito. "Bibigyan ko lang problema sarili ko Jade. At mas lalo akong masasaktan kung magpapatalo ako sa nararamdaman ko."

"Well thats you Batch!" Sigaw niya narin sabay tayo. "At ako ito. Magkaiba tayo. Hindi ako ganun katapang. Kaya sana wag mo akong husgahan dahil sa ginawa ko." Humihikbing wika niya.

"Jade hindi kita hinuhusgahan. Sinasabi ko lang ang pagkakamali mo. 2months mo ng di nakikita si Althea Jade. At ano iyon? Dahil lang sa nakita at nakasama mo siya sa ilang oras, bumigay kana agad?" Tugon nito.

"Mahal ko siya Batch.." pabulong niyang sagot. "I never stopped loving her." Wika niya sa pagitan ng pagluha niya.

"Paano si Lovi?" Tanong nito.

"I never loved her. Masama na kung masama, pero ginamit ko lang siya, just to forget Althea." Sagot niya.

"Shit naman Jade! Di ko na alam ano pang gagawin sayo! Masyado kang baliw sa Althea na iyan." Kunot noong sagot nito sabay napapailing.

Hindi siya sumagot. Nakatayo lang siya. Nakayuko habang umiiyak. Ano naba mangyayari ngayon?

Bigla niyang naisip yung nangyari sa kanila ni Althea isang linggo na ang nakakaraan. Mali man kung iisipin pero yun ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. Lalo pa nung napagtanto niya na siya ang naka una kay Althea. Well obvious naman dahil after Ben, hindi na ito nagka boyfriend. At alam na alam niyang walang namagitan sa dalawa nung mga panahon na mag nobyo pa ang mga ito.

At dahil sa nangyari sa kanila ni Althea, ay di na siya makakapayag pa na may iba pang babae o lalaki man ang makakahawak sa dalaga. Di niya yun pahihintulutan. Pero paano niya yung magagawa kung....

One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon