First Day

4.4K 173 14
                                    


........

"Jade?" Tawag ni Althea sabay dungaw sa bintana. And there, nakita niya itong nakahiga sa bubong habang naka tingin sa mga bituin.

Nilakihan niya ang pagbukas sa bintana at maingat siyang lumabas dun.

Mga bata palang sila ni Jade ay nakasanayan na nilang tumambay sa bubungan ng mga kwarto nila tuwing ganitong maganda at malamig ang simoy ng hangin.

Kung may isang bagay man silang mapagkaka sunduan, yun yung hilig nila sa mga stars.

Maingat siyang naglakad palapit dito. "Nandito ka lang pala.."

"Bakit?" Tanong nito pero nakatuon parin ang mga mata nito sa mga stars.

"Sungit mo yata." Tugon niya sabay higa din sa tabi nito. "Uhm... I need my best friend."

Dun lang ito lumingon sa kanya. "Wow, first time ko yatang marinig yan sayo."

"Kasi madalas ikaw ang nangangailangan sakin.." tugon niya sabay ngiti.

"Hah! Pasasaan ba't di na ako lalapit sayo para mag makaawang damayan ako. Mag antay ka lang Althea." Wika nito.

Tumawa siya. "Kailan pa kaya yun."

"Malapit na.. wag kang atat." Pagsusungit parin nito.

"Okay.." tumatawa niya paring wika. Pero maya maya ay natahimik din siya at tinuon ang paningin sa mga nag nininingningang bituin. At bigla ay napa buntong hininga siya.

"Easy there Althea ang lalim nun ah."

"Sorry naman." Wika niya.

"So, anong problema?"

Napa ngiti siya. Hindi siya sanay na ito ang nagtatanong ng ganon. Madalas linya niya ang katanungang iyon. "Hmm, wala namang problema. Ano lang, uhm... wala na kami ni Ben."

Shock na napabangon ng upo si Jade. "Kailan pa?"

"Kanina lang..." sagot niya.

"And?"

"Anong 'and?"

"I mean bakit parang balewala lang sayo?" Kunot noong tanong nito.

"Bakit? Kailangan ko rin bang mag lupasay ng iyak? Mag wala kagaya ng ginagawa mo?" Nakangiti niyang tanong.

"He-he so funny Althea." Tugon nito at humiga ulit.

"We're still friends. Hmm, pinag usapan namin yung breakup na nangyari. I mean napag kasunduan. No hard feelings. Basta magaan ang loob namin sa ginawa naming paghihiwalay. After all, Ben is a nice guy. I wish makatagpo siya ng babaeng karapat dapat talaga sa kanya." Paliwanag niya.

"Wow! Ede kayo na. At ikaw na ang mapag parayang babae."

"Alam mo minsan lang ako mag kwento sayo ginaganyan mo pa ako." Tugon niya.

"Hindi kasi bagay sayo. Isa pa, anong e aadvice ko? Eh okay ka naman at mukhang masaya."

"Ang sabihin mo Jade, di ka lang talaga marunong mag advice." Nakangiti niya paring tugon.

"Okay na.. ikaw na ang magaling sa lahat ng bagay."

"Naman." Pagkasabi nun ay umupo siya. "At least, hindi nangyari yung sinabi mo."

"Na ano?" Umupo narin ito.

"Na isang linggo lang kami ni Ben at maghihiwalay din kami. Gusto ko lang ipaalam sayo na umabot kami ng pitong buwan"

One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon