LoveWins

3.8K 169 30
                                    

Friend zone yun na nga siguro mangyayari kay Jade. Wala na eh. Hanggang kaibigan na lang talaga maiaalay ni Althea sa kanya. At yun ang masakit.

Kung naging lalaki nalang sana siya. Hindi sana ganito ang mangyayari. Siguro nga marahil sa panahon ngayon baka kasal na sila ni Althea at may mga anak na.

Lord naman eh.. bakit pa kasi si Althea na best friend ko ang inilaan mo para mahalin ko ng todo. Daing niya ng palihim.

"I'm glad that your willing to save our friendship Jade. Dahil yun ang kailangan ko." Bulong nito habang hinihimas ang likod niya.

Pero pagmamahal mo ang kailangan ko.. ngumiti siya ng mapait saka niya niyakap din ito ng mahigpit. Ano bang isasagot niya? Alangan namang ipilit niya pa nararamdaman niya. Mas masasaktan lang siya. Too much rejection na.

"Because.... the best way to keep a relationship lasts, is to keep the friendship forever." Madamdaming bulong nito sa tenga niya.

Bigla siyang kumawala sa pagkakayakap nito at kunot noong tinitigan ito. "Ano?" Tanong niya.

Ngumiti ito. Ngiting nagpapawala sa mga biluging mata nito. "Totoong ayokong mawala pagkakaibigan natin. Cause I treasured it so much Jade. Pero bukod kanino man, o anuman..." hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. "The most I treasured so much.. is you Jade. Tama si Ben. All this time, mula pa noon, nasanay na akong edeny sa sarili ko kung ano talaga nararamdaman ko para sayo. Dahil natatakot akong masira pagkakaibigan natin. Kaya kinulong ko sa puso ko, kung ano man yung nararamdaman ko mula paman noon. Hanggang sa di ko na makayanan." Mahabang salaysay nito.

"Y-you mean?" Nag uumpisa na namang tumulo mga luha niya.

"Yung one week, bakit di natin gawing one month, two months. Hanggang sa maging one year, two years, three years, four years..." napaluha na din ito. "Hanggang sa mapatunayan natin na may.... forever talaga." Madamdaming wika nito.

Wow! Totoo ba lahat ng narinig niya? Speechless siya. Di siya makapaniwala. Hindi siya friend zone! Wait. May kulang pa. Di pa nito sinasabi ang magic words. Bigla siyang natigilan.

"Hey, di ka ba natutuwa sa mga sinabi ko?" Puna nito sa kanya. Habang nakakunot ang noo.

"Gusto ko lang linawin yung mga sinabi mo." Umpisa niya. Naguguluhan kasi talaga siya. "You want us to pretend as girlfriends, for years, Althea?"

Ito naman ang napahinto. Nawala ang pagkakunot sa noo nito. Maya maya ay unti unti itong ngumiti ng malawak, bago nauwi sa malutong na tawa.

"What?!" Sigaw niya. Anong nakakatawa sa sinabi niya?

Huminto naman ito sa pagtawa bagamat napapangiti parin. "May sinabi ba akong mag pre-pretend tayo?"

Nagulat siya sa sinabi nito.

"Jade..." hinawakan nito magkabila niyang pisngi. "I love you. I'm so sorry, kung masyadong matagal bago ko naamin sa sarili ko kung gaano kita kamahal. Binulag ako ng friendship natin.. pero ngayon handa na akong panindigan itong nararamdaman ko. Bilang si Althea, na best friend mo, pero best friend mo rin na umiibig sayo."

At last the magic words. "M-mahal mo ako?" Napapaluha na naman siya. Tears of joy!

"Mahal na mahal." Madamdaming tugon nito.

Napangiti na siya sabay yakap niya ng mahigpit dito. Walang pag lagyan yung saya na nararamdaman niya. Kung pwede lang na di niya na pakawalan pa sa pagkakayakap niya si Althea ay gagawin niya. At last nagbunga din ang matagal niya ng lihim na pag ibig kay Althea. At sa wakas masasabi niyang kanyang kanya na ito. Niyakap niya ito ng mahigpit bago pinakawalan saka hinawakan niya ang magkabila nitong pisgi at pinagdikit ang mga noo nila. Kapwa sila umiiyak. Iyak ng tagumpay sa pag ibig. "I heart you.."

One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon