DTWQ #1: just bored

17 2 2
                                    

Author's pov

*music playing (electric love)*

"Wynona! Can you keep it down a notch? I'm trying to study here!"

"Tagalog Carmella, nasa pinas tayo wag kang mag ingles."

Pasensya na po sa harsh na pananalita ng batang iyon. Sya si Wynona Salvez, 16 years old, half british-american and half pinoy at sya ang tinaguriang "weird girl" sa campus nila.

Si Wynona ngayon ay nasa kwarto nya lang, walang ginawa kundi magfacebook, magtweet, at mag youtube. Ganyan lagi ginagawa nya tuwing summer, weekends, o holidays. Masasabi nyong parang normal lang na teenager si Wynona, dahil sa habit nya rin ang umupo lang, magfefacebook, magtetweet at magyoyoutube lang. Pero sinasabi ko sainyo, iba talaga sya. Wag nyo nang alamin kung ano ang tinitweet, sinastatus at pinapanuod nya sa youtube dahil mawewerdohan lang kayo lalo sakanya. Anyway, rumarami na ang mga words ko kaya eto na.

"Tss.. Sabi ko hinaan mo yang radyo mo ate Wynona! Nag aaral ako eh!"

"Yun, mas naiintindihan kita ngayon."

Sabi nya saka naman tumayo at pinahinaan ang kanyang radyo.

Hindi nagtagal, kumatok ang kanilang ina daladala ang kanyang shoppingbags habang kasakasama ang kanilang kasambahay na si Manang Julieta o Juli nalang para mas madali at mas magandang pakinggan. Nagdala si manang Juli ng cookies at gatas at hinihintay ang signal ni Lorna, ina nila Wynona, na ibigay ito sa mga bata.

"Hi kids! Kagagaling ko lang sa Russia. I'm sorry at medyo natagalan ako. Here, i brought russian cookies for you guys. Paki bigay po manang."

At ibinigay naman iyon ni manang sakanila.

"No thanks ma, i'm not hungry. Ate Wynona sayo na yan."

"Akin na lang yan Manang."

Inangkin nga iyon ni Wynona at walang kagatol gatol na nilagay lahat ng cookies sa bibig nya. Kanina pa kasi sya gutom, at wala syang magawa dahil tinatamad sya.

"Hinayhinay lang baby Weeny, baka mabulunan ka."

Inirapan nya lang ang ina nya at pinagpatuloy ang pagbabrowse na sa fb.

"Baby Weeny, ngayon ko lang naalala, nung last week lang pala yung moving up mo. Since magsesenior high ka na. San mo gusto magtransfer, baby?"

"Transfer? Wala akong balak na magtransfer. K-12 ready ang current school ko ngayon."

"Aww, honey. Pero i want you to study in a private school!"

"Ayoko."

"No. Kung ayaw mo then, i'll be the one picking a perfect school for you." malalim na sagot ng kanyang ina. Pero napalitan kaagad ang ekspresyon ng kanyang mukha at muling nanumbalik ang ngiti nito kay Wynona.

Umalis na ang kanilang ina, pero bago nya pinagpatuloy ang lakad pababa, hinalikan nya muna ang dalawa sa nuo at namaalam. Napabuntong hininga nalang si Wynona at pinasakan ng headset ang mga tenga nya.

Pinapili mo pa ako, ikaw rin pala pipili tsktsk. Mga nanay nga naman...

Nanahimik nalang silang dalawa hanggang sa nakatulog na sya sa kanyang higaan ng hindi kumakain ng dinner.

-----

EARLY UPDATE! dont worry po sa monday mag papublish nanaman po ako. Kasi nga po, alam kong bitin yung story if one updates a day lang. So gift ko nalang po ito sa inyo! ^^

Read. Comment. Share. Follow

Dating the Weird Queen (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon