Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )* Kabanata 22 *
By : LOUIEJEAN( Consider this chapter as Side Story )
× × × × × ×
" Hindi paba gising si Ate Cyrene ?" Wika ni Yumi habang kumain silang lahat sa labas , lumingon naman ang magpipinsan doon , hindi nila maaninag ang nasa loob nang sasakyan dahil madilim narin ang paligid ,
" Hayaan mo na ! May sakit si Ate kailangan niya nang pahinga !" Wika naman ni Thalia , ngumuso si Freia rito ,
" kailangan niya ring kumain !! Dalhan na kaya natin " wika ni Freia at akmang tatayo nang magsalita naman si Keila ,
" No , wag na ! " nakangiting wika nito , kumunot ang noo ni Yumi sa sinabi nito at sa biglaang pag ngiti nang dalaga ,lumingon si Yumi sa sasakyan dahil nakita niya ang pamumula nang pisngi ni Keila na ngiting ngiti na nakatingin sa cup noodles niya ,
Paglingon niya ay siningkitan pa lalo niya ang mga mata , ganun nalang din ang pamumula nang pisngi sa mga aninong nakita !!
" uy ? Nag blublush ?" Takang wika ni Thalia sa dalawa na ngiting ngiti na nakatingin sa noodles ..
Nagkatinginan lang ang magkapatid sa pagtataka !! Umirap si Thalia at saka tumayo ,
" Cr lang ako , mahaba nanaman ang byahe eh !" Paalam nito na tinanguan lang nila , agad din tumayo si Freia ,
" bibili ako nang cup noodles para kay Ate " wika nito at tumakbo papunta sa maliit na store , humagikgik ang dalawang dalagang naiwan ,
" Nakita mo ba yun ?" Ngiting tanong ni Keila , napapikit si Yumi na parang nag dadaydream ..
"Oo hihi .." tawa nito ,
Habang sa gilid naman nila ay takang nakatingin ang mga ginang , para kasing mga tanga ang mga ito !!
Lumapit si Carlynn sa pinsan at saka bumulong ..
" May saltik ang anak ko Cous !" Wika nito , sa tabi naman niya ay si Kei na nakangiti lang habang nakatingin sa anak na babae na ngumingisi sa harap nang noodles ..
" Inlove sila .." mahinang wika ni Kei , lumingon si Carlynn at Kristen rito ,
" Saan ? Sa noodles ?" Sabat ni Carlyn dahilan para hampasin siya ni Kristen sa ulo ,
" Ikaw ang may saltik! "Bulong nito at nagtawanan nalang ang mga ginang .. hinimas lang ni Carlyn ang ulo at saka napapitik sa hangin ..
" Oo nga pala , bakit hindi niyo niyayang bumaba yung driver ? Naku !! Ke gwapong bata nun .. ayain ko lang sandali !" Wika nito at akmang tatayo nang sabay na napasigaw sila Keila at Yumi ..
" NO !! MOM " Sabay din na wika nila , agad napataas nang kamay si Carlyn sa gulat at agad na bumalik sa upuan !!
" okay okay !! Geez " wika nito at umiling ,
×××××××
Agad namang lumapit si Freia sa mga cup noodles na andoon , agad itong napangiti nang makita ang beef noodles , paborito ito nang kanyang Ate Cyrene kaya akmang kukunin na niya iyon nang isang kamay din ang dumampot doon ,
BINABASA MO ANG
Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )
HorrorNote : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events...