Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )* Kabanata 46 *
×××
" Ibaba mo na ko ," mahinang wika ni Cyrene kay Keishan .. napakagat lang sa labi ang binata at tumingin sa kanyang harapan,
Agad itong nakakita nang maliit na lumang kubo , naglakad ito patungo doon at saka nilapag ang dalaga sa sahig ..
Pag kaupo ay agad napahawak si Cyrene sa kanyang dumudugong dibdib ..
" Alam na ba niya ?" Wala sa sariling tanong ni Keishan , pumikit ang dalaga at saka hinimas ang kanyang dibdib ..
" Hindi siya tanga para hindi malaman , nawala siya nang ilang taon at kasama sa ilang taon na yun ay nalaman niya ang tungkol saakin .." malungkot na wika nito ..
Napakuyom nang kamao si Keishan at hindi maatim na meron nang iba pang tao ang nakakaalam sa sikreto nang dalaga maliban sa kanilang dalawa ni Yuki ..
" Hindi pa ba nagpapakita sayo ang kambal ? Hanggang kelan ba nila balak Ipagpatuloy to ?" Inis na wika ni Keishan , ngumisi lang si Cyrene at huminga nang malalim,
" Hindi sila titigil hanggat hindi ako nawawala .. simula palang sa unang laro noon sa La'vierde, alam kong silang dalawa .. silang dalawa ang pasimuno .. " napatingala ang dalaga at pumikit habang iniisip ang mga nangyari noon .. at kung sino ba talaga ang totoong Cyrene Pember ..
" they continue what i started before .. and they also want to finish this game " wika niya sa sarili ..
Simula nang araw na iyon .. nasira na lahat nang pangarap ko ..
××
" Papa , Please !! Tulungan mo ako , ibalik mo si Aaron Please .. Bata pa ang anak namin para mawalan siya nang ama !!" Iyak ni Kristen habang nakaluhod sa harapan ni Axle , sa tabi naman ni Axle ay ang asawang si Monique na umiiyak rin habang hawak hawak si Cyrene ..
" Anak , wala na tayong magagawa , brutal ang pagkamatay ni aaron .. at hindi maaari ang hinihiling mo .." wika nito at dinaluhan ang nangungulilang si Kristen ,
" H-Hindi pwede .. may magagawa kayo pa .. please .. alam kong meron !!" Pilit ni Kristen , tumingin si Axle sa likuran nang dalaga , nakita niya ang kaluluha nang anak nito .. ngumiti ito sa kanya at umiling .. napabuga nang hangin si Axle at lumandas ang luha nito sa pisngi. .
" patawarin mo ako , anak .. Hindi pwedeng ibalik sa buhay ang namatay .. delikado iyon , maraming tao ang madadamay hindi natin alam kung ano ang kapalit nang mga iyon" ulit nito kaya naman hindi nakapag salita si Kristen at umiyak na lamang s akawalan nang pag asa , agad namang tumakbo ang batang si Cyrene sa ina at niyakap ito ..
" m-mommy .. tama na !! Andito pa ko , daddy won't like it if we don't stay strong .. so mommy .. be strong .. " wika nito sa ina kaya naman pinilit nang tumahan ni kristen ..
++
Tumingin ang batang si Cyrene sa pinto nang kanyang Ina na hanggang ngayon ay hindi parin lumalabas nang kwarto , ilang buwan na ang nakalipas simula nang mawala ang kanyang Daddy mismo sa kanyang kaarawan ..
BINABASA MO ANG
Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )
HorrorNote : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events...