CHAPTER 8
Hindi na ako nakaabot sa unang klase namin para sa sumunod na araw. Umuwi muna ako galing kina Ice at nag ayos bago pumasok. Pagpasok pa lang ng classroom ay pailalim na ang tingin ng tatlong bruha sa akin.
"Where have you been?" tanong sakin ni Yna pagkaupong pagkaupo ko.
Hindi na ako nakasagot nang dumating ang professor sa subject na iyon. Lunch time nang magkaroon nang ma corner nila ako. Naging abala kasi kami sa mga sumunod na subject.
Sumimangot ako nang maalala ang mga nangyari.Nanahimik ako paghiga nya sa kama. There's no way I can convince him to delete the pictures.
"If you think you can get a hold of my phone when I sleep, you thought wrong," nakakalokong sabi nya. bago pa ako tinalikuran.
Sa pagkaasar ay hinampas ko sya ng unan na iwinalang bahala nya lang. Bwisit talaga. Ilang sandali pa ay dahan dahan na rin akong humiga, takot na sa konting galaw ay may mangyari na namang interaksyon sa aming dalawa.
Sa pagkadismaya ay lumingon nga siya habang nilalagyan ko ng unan ang pagitan naming dalawa.
Ngumisi sya at muling tumalikod. Nakakainsulto lahat ng kanyang reaksyon at talagang nakakapagpainit ng aking ulo.
Hindi ko na lang pinansin dahil baka sa aking pagkabanas ay kung ano pang magawa ko. Isa pa ay talagang gusto ko na ring magpahinga at antok na antok na rin ako.
Pagkatapos kong magkwento ay nakanganga silang titig na titig sa akin.
"You slept with him!" hindi makapaniwalang bulalas ni Maj.
Namula ng husto ang aking pisngi sa kanyang sinabi at agad na lumingon sa paligid. "Ilakas mo pa!" naiinis na sigaw ko sa kanya. "Pag may naka misunderstood ay baka mapagkamalan pa akong malandi!"
"I mean sleep, like eyes close together in one bed—"
"Shut up." hindi maiwasang mahiya sa mga sinasabi nya.
"Unless of course if you're guilty," pang iinis nya pa na sinamaan ko lang ng tingin.
"He's so handsome. Napakswerte din naman talagang lahi nitong si Lei," sabi ni Liz.
"Handsome? Saan banda?" inirapan ko pa sya.
"Huwag ka ngang in denial. Gwapo naman talaga," sabat ni Yna.
"His attitude sucks though. Masyadong nakakapangit ang labis na kapangitan ng ugali."
"Galing ka ba sa bahay? Mabuti at naisipan mo pang umuwi."
Sa kanyang sinabi ay naalala ko kung paano ako nagising kanina at kung gaano kasama ang bungad ng aking umaga.
I woke up when I fell off the bed and groaned when I felt the pain on my hips. Fck.
"What the hell?!" nagulat pa ako sa sigaw ni Kurt na tuluyang nakapagpadilat ng mga mata ko. Naupo akohabang kinukusot ang mata at nagtatakang napatingin sa kanya.
"What the hell did you do?" halos mag panic ang kanyang buong pagkatao habang tinatanong ako.
"What? Anong pinagsasabi mo? And why the hell did you kick me out of the bed?" ganting sigaw ko din sa kanya.
What a way to start may effing day. Ang saya.
Natawa ako nang marealize ang nasa isip nya. "Kung hindi ka rin naman talaga may pagka feelingero no? Did you really think I have a thing for you? Gusto mo bang buhusan kita ng malamig na tubig para mahinto ang pangangarap mo?"
Namula sya at nag iwas ng tingin. Maya maya ay bumanat na naman.
"You were so close I could smell your morning breath.""Ang aga aga binabanas mo ako!!" I walked out on him. He pisses me off all the fcking time. I wanted to just cut his tongue and feed it to him!
Mabuti at bukas na ang pinto dahil kung hindi ay sobrang malilintikan na sa akin ang dalawang nagkulong sa amin. Paglabas ng kwarto, agad na bumugad sina Yuan at Ice, nagkakape. Sisigawan ko na sana pero dahil sa ngiti ni Ice ay nawala ang lahat ng sasabihin ko. Napakagwapong lalaki. Very manly.
"Hatid na kita L.A," sabi n Yuan na tinanguan ko lang.
Hindi na ko nakipagtalo at nagalit dahil useless din lang naman. Nakulong na kami magdamag, nangyari na, wala nang magbabago. Getting mad will just stress me out. I just wanted to go home and wash. I felt viscous. I needed a bath and I didn't care if I didn't get to attend my first class.
"Baka naman ikaw ang ma inlove kay Kurt, Lei ha?" nakangising sabi ni Yna na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"Wag mo nga akong patawanin. That's impossible. He's not my type. Kung si Ice pa pwede, napakagwapo ng tao na yon." Naimagine ko pa ang pag ngiti nya kanina.
Parang ang tagal ng oras at patang pata ako pagkatapos ng lahat ng klase para sa araw na ito. I need my bed so bad.
As we were walking out of the campus going home, I noticed someone looking at me. Meeting my eyes, she looked away and started whispering something to her friend.
I didn't mind at first but when it happened again, I felt conscious. I was so sure they were talking about me."Something's off," sabi ko na kila Maj.
"They are talking about us. What's happening?" malakas na sabi ni Liz, walang pakialam kung marinig sya ng lahat.
Ikinibit ko na lamang iyon ng balikat. Hindi na ako nagreact ngunit sa loob loob ko ay sobra ang pagkaconscious. This is the first time this happened.
Pare parehas kaming walang pakialam na naglakad, ako ang nauuna. We just didn't care.
"Shit!" narinig kong mahinang sabi ni Liz. Hindi ko na pinansin dahil parati naman syang ganyan maka react.
Tumigil ako aa paglakad nang maramdamang wala na akong kasunod. Nilingon ko silang tatlo na malaki ang mga matang nakatitig sa akin.
"What?"
None of them answered, they just looked at me, their mouths hanging open. Parang mga sira.
"Hey!" lumapit ako sa kanila.
Wala sa sariling itinaas ni Liz ang hawak na cellphone. Nakakunot noo akong bumaling at kahit ako ay nanlaki ang mga mata sa nakita.
"What is this L.A?"
Inagaw ko ang kanyang cellphone mula sa pagkakahawak niya. Ang bwisit na lalaking yun talagang pinapainit ng husto ang ulo ko!
I actually thought he was bluffing. He posted our picture. Kissing. Parang ako pa ang nanghalik sa picture na kumalat. Nakakahiya!
"That jerk! He's dead!" Pumihit ako at agad na nagtungo sa audi. I knew they were probably practicing for the upcoming game. I will kill him.
Dire diretso akong pumasok. Wala akong paki sa lahat ng mga tingin sa akin. Gusto ko lang makaisa ng suntok sa bwisit na to.
"Hoy bakla!" lumingon sya at ngumisi na lalong ikinasama ng aking timpla. You are so dead, jerk!
BINABASA MO ANG
Mr. COLD (the heartbreaker)
Teen FictionPaul Kurt Mendoza, first year college, engineering student. he has no mercy when it comes to girls! well, he doesn't care about other's feelings! know the reason behind his cold treatment to girls and how it will change.