Chapter 17

84.5K 643 33
                                    

CHAPTER 17

Tahimik kaming lahat na magkakaharap pagkatapos ng laban. Even when not talking, I could tell how frustrated Kurt was and it really made me nervous. He was just staring in space while everyone had been exchanging glances with each other.

"We lost," was Kurt's first words to say. No one dared to even speak or look at him.

Alam naman naming lahat na sinisisi nya ang pagkatalo naming sa pag pepetiks namin kahapon at hindi pagpapractice.

"Ayos lang naman yan Kurt." Si Steven ang unang lakas loob na nagsalita sa aming lahat.

"Hindi to ayos. Natalo tayo. We could've won but we lost. You partied all night, of course we lost."

They all looked at me. Ako naman talaga nagsabi na wag na lang silang magpractice at magsiuwi pero sana walang manlaglag sa akin. Hindi ko naman sinabing uminom sila.

"Sinong nagpasimuno ng pag uwi kahapon?"naiinis pa na tanong nya. Namutla ako.

"250 laps each. Huwag kayong magsabay-sabay. Ikaw magsimula Emman," sabi nya nang walang sumagot.

"Captain, masakit pa ulo ko," pangangatwiran ni Emman.

Mas lalo pang sumama ang tingin ni Kurt. "Exactly why we lost the game."

"This is just one game, Captain," sabat na rin ni Carlo.

He meant business at kapag ganito na ang tono nya ay walang sumasagot ng pabalang sa kanya.

"Magsimula na kayo bago pa tayo gabihin dito," balewalang sabi pa nya ulit. "Losing while doing your best is acceptable but losing because you're fcking hang over?"

Naaawa ako sa kanila. Nang dahil sa ayaw nila ako ilaglag, mapaparusahan pa sila. Ako naman talaga ang nagpasimuno at hindi sila pinagpractice so I should be the one to take the blame.

Napilitang nagsimula na si Emman. Kitang kita na labag sa loob nya ang pagsunod pero wala na din syang nagawa.
Nakokonsensya ako.

"Ako talaga yung nagsabing wag na silang magpractice kahapon," sabi ko ng mahina at nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

Naningkit ang mga mata nya sa pagkakatingin sa akin.

"Eh kasi mukha naman silang pagod na kahapon kaya naawa naman ako kaya sinabi ko na lang na wag mag practice tutal wala ka din naman eh," palusot ko.

"Bakit ba masyado kang mapapel?" galit na sabi nya. Nakakaoffend talaga ang mga lumabas sa bibig nya!

"Hindi ako nakikialam! Ang akin lang naman—"

"Wala kang pakialam!" mas lalo lang syang nagagalit sa pagpapaliwanag ko.

"Pwede ba patapusin mo muna mga sinasabi ko? We all stick to the schedule kahit lahat kami ay gusto pang humiga samantalang ikaw na nagschedule mismo ng practice ay sobrang late doing God knows what, ta's gusto mo ay susunod lang lahat sa'yo? You're unfair!"

Nakakainis talaga. Eto lang nagagalit na sya? Eh ano kung talo?

Napailing na lang sya. "Ikaw ang dahilan kung bakit kami natalo."

Hindi naman yata tamang manisi sya! Aba! Hindi naman ako ang naglaro kanina at bakit ako sinisisi? Porket pinauwi ko lang agad sila kahapon at hindi pinagpraktis ako na agad?!

"Hoy wag mo kong masisi-sisi sa pagkatalo nyo dahil unang una: naglaro ba ko at ako naging dahilan ng pagkatalo nyo? Pangalawa: Hindi ako ang tamad na Captain nila. At pangatlo: Anong kinalaman ko sa hindi mo pagiging effective na Captain? Maayos naman na laro nila sa nakita kong practice nila nung isang araw. That's the reason why I decided to give them a break yesterday.  Ikaw nga lang tong parang preoccupied kaya kung may dapat mang sisihin sa pagkatalo nyo, walang iba yun kundi ikaw!"

Mr. COLD (the heartbreaker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon