CHAPTER 20
Kakatapos lang ng klase and it's been days since I last attended the practice. They've been calling me but I ignored them. I was so pissed!
"Ano bang meron hoy!" pati silang tatlo napapansin na yung kawalan gana ko kumilos. Nasanay na rin kasi ako na parating kasama yung mga mga makukulit na 'yon kaya medyo nalulungkot ako.
"Bakit?" tanong ko.
"Umayos ka nga dyan LA! Bibigwasan ka namin eh!" si Liz.
Papunta kami sa treehouse na medyo matagal ko na ring hindi natambayan. Pagtapat sa audi ay binilisan ko na lang ang paglalakad para hindi na ako makita ng mga makukulit na lalaking 'yon at baka hindi ako makatiis ay bumalik ako sa team at makalimutan ko na ang pride ko.
Pagdating naman sa treehouse ay nagbasa na ako agad ng libro at hindi na sila kinausap. Naramdaman ko na lang na nakatingin sila sa akin. Nakakailang pero hindi ko na lang pinansin.
"Anong nangyayari sayo L.A?" tanong ni Maj.
"Wala naman," balewalang sagot ko sa kanya.
Tinaasan nila ako ng kilay at mukhang hindi naman sila naniniwala. Inirapan ko silang tatlo at magsasalita na sana ako nang biglang may tumunog na cellphone. Nagtinginan kami sa bag ni Maj dahil doo galing ang tunog.
"Excuse me," sabi nya. Tumayo sya at lumayo sa amin saka sinagot ang phone nya.
Maya-maya bumalik na din sya na nagmamadali.
"Sorry guys, I need to go. May bwisit kasi na tumawag sa akin eh." Aligaga nyang kinuha ang bag nya.
"Sino ba yung tumawag? si Jett?" tanong ni Liz.
"Wag ka nga dyan!" banas nyang sabi kay Liz. Tumingin sya sakin, "LA? Ayos lang ba? Pero kung gusto mo naman, pwede ko naman to i-cancel tas sa ibang araw ko na lang aayusin."
"Hindi sige ayos lang. Sige na ingat ka!" nakangiti pa kong nagpaalam sa kanya.
Tinitigan nya muna ako ng matagal. "Okay fine." lumapit sya saken at hinalikan ako sa pisngi. Ganoon din ang ginawa nya sa dalawa bago nagmamadaling umalis na.
"Oh ano na?" tanong na sakin ni Liz.
"Wala pang isang minutong umaalis si Maj ay tumayo na rin si Yna. "I have to go." Hindi na kami nakapalag nang humalik na rin sya at mabilis na umalis.
"Sabay na 'ko," sabi ni Liz at hinalikan din ako. Humabol sya kay Yna.
Mga bastos. Tintatanong ako tapos ay iiwan akong mag-isa rito. Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa.
After almost two hours na paglagi sa tree house, nagpasya na akong umuwi. Nakakaengganyong humiga. Dapat sana pala ay kanina pa ako umalis, sumabay na lang kina Liz sa pag-alis.
Habang naglalakad nakita ko sya na naglalakad din. Saktong pagtingin ko ay napatingin din sya sa akin pero nag-iwas din sya kaagad ng tingin.
Sya pa ang may ganang maging snob pagkatapos ng pag iwan nya sa akin!
Madilim na nang nagising ako. Dumiretso agad ako sa kusina dahil sa naramdamang gutom. Pagbaba ay nanonood si Yna at Liz kasama nila si Yuan at pagkakitang pagkakita sa akin ni Yuan ay ngumiti sya.
"L.A, kamusta na? walang paramdam ah?" nakangiting bati sa akin ni Yuan. Talagang pinuntahan na ny ako ha.
"Ayos lang naman. Kayo ba, kamusta na?" sagot ko. Imbes na dumiretso sa kusina ay tumabi ako sa kanya.
"Balik ka na," sabi nya.
Ngumiti lang ako at bumaling kay Yna. "May pagkain na ba?"
Nagtataka syang nakatingin sa akin. "Nag quit ka sa team?"
"Oo, may pagkain ba?" tanong ko pa din sa kanya. Ayoko pag-usapan.
"Meron sa ref nag-uwi na lang kami, initin mo na lang."
Nagpunta na ko sa kusina at kumain. Ngayon ko lang talagang nakausap ulit si Yuan. Papuntahin ko kaya sila tonight? Bumalik ako sa living room na may dalang chips. Kay Yuan ulit ako tumabi.
"L.A may nangyari ba sa party?" tanong ni Yuan pag upo.
"Wala namang nangyaring importante. Bakit?" sagot ko naman sa kanya.
"Para kasing iba ngayon eh. Tinanong na din namin si Kurt pero hindi naman sya sumagot. Sinigawan nya lang kami."
Parang nabwisit na naman ako bigla dahil sa pagbanggit ng pangalan ng lalaki na yon kaya hindi ko na namalayan kung anong sumunod na nasabi ko.
"Yung bwisit na yun pinagmukha akong tanga dun. Iniwan ba naman ako! May mga nakakita at pinagtinginan ako nung mga nagdaan na pauwi na rin nang mga oras na yun," halos umusok na ang ilong na nasabi ko.
Lumingon sya sa akin na nakangiti. As if already expecting my outburst.
"Dali magkwento ka!" excited na sabi nya sa akin.
Dahil naumpisahan ko naman na ang paglalabas ko ng sama ng loob, naikwento ko na lahat ng nangyari nang gabing 'yon sa harap nilang tatlo maliban na lang yung part na nakinig ako sa usapan nila Carla at Kurt. "Nakakabwisit naman talaga ang ginawa nya diba? Sumosobra na sya! Nagtitimpi ako sa kanya pero pinupuno nya ako!"
"Hindi ka pa nasanay kay Kurt," natatawang napapailing na lang din sya.
Bigla kong naisip yung part na napakinggan ko yung pag-uusap nila Kurt at Carla. "Yuan? Diba mag ex si Carla at Kurt?"
Napatigil sya sa pagtawa nya at tipid na ngumiti, "Bakit mo naman natanong?"
"Sumagot ka na lang."
"Oo pero matagal na 'yon."
"Were they serious?"
"First love eh."
"Pero hindi pa sya ang naging huli ni Kurt, tama ba?"
Tumango lang sya at wala namang paliwanag sa mga sagot.
"Teka nga L.A kaya ka ba nagquit ay dahil nagseselos ka kay Carla?" pang iinis nya.
"Nababaliw ka na ba?! Curious lang talaga ako! Nagquit ako dahil nabubwisit na ko sa ugali ng Captain nyong bakla!" naiinis kong sagot sa kanya.
"Pero babalik ka naman diba?" sabi nya.
"Sino nagsabi sayo? Malabo. Ayoko no!"
"They miss you."
Parang bigla ko rin silang na miss.
"Text mo sila sabihin mo magpunta sila rito ngayon.""Sige," excited na sabi nya at nagtipa agad sa kanyang cellphone.
"I'm going to have to shower first. Baba na lang ako after," sabi ko sa kanya na hindi ko alam kung napakinggan nya pa dahil busyng busy na sya sa pag contact sa mga kasamahan nya kaya hindi ko na sya hinintay sumagot at umakyat na ako para mag-ayos ng sarili.
BINABASA MO ANG
Mr. COLD (the heartbreaker)
Teen FictionPaul Kurt Mendoza, first year college, engineering student. he has no mercy when it comes to girls! well, he doesn't care about other's feelings! know the reason behind his cold treatment to girls and how it will change.