Chapter 27

81.3K 818 109
                                    

CHAPTER 27

"Oi Kurt subuan mo naman si L.A," sabi ni Bryan. Nagsimula na naman sila sa pangangantyaw sa aming dalawa.

"Ginawan nyan ng sandwich si L.A!" sabi ni Allen na tumawa pa ng malakas.

"Shut up," mahinahon pero nakakatakot na banta ni Kurt sa kanila. His sharp look directed at them. We were eating lunch at the moment. After arriving at the resort, we each had a rest.

Walang tigil ang asaran ang mga mokong at lahat kami ay damay.

"Teka nga Steven nasan yung phone mo? Hindi ko nakita yon takte kasi, ako nagdadrive eh," sabi ni Emman.

Nagtatawanan sila habang inaabot ni Steven ang cellphone nya kay Emman. Pagkaabot ni Steven, may tinignan si Emman at nang makita ay bigla syang tumawa ng sobrang lakas.

"Ako din patingin! Sino kumuha?" tanong ni Ice.

I turned my head at Maj beside me, she was probably sporting the same reaction as I did. Not even have a clue of what was humoring them, I couldn't help but ask.

"What's that?"

Hindi sila sumagot at ngumiti lang sa akin. I bet it was a picture of a nude girl. They were boys afterall.

"Papasa!," sabi ni Michael.

"Ako rin," gumaya na rin yung iba.

I didn't mind even when no one answered me not until Kurt spoke up, his voice was shaky. That was enough to make me even more curious.

"What's that? Give me the phone!" asked Kurt, almost panicking.

Pinilit nyang kunin kay Steven ang cellphone pero iniwas ni Steven sa kanya para hindi nya makuha. "Mga t*rantado kayo pag ayan yung kanina, bugbog sarado kayo sa akin," sabi nyang ang sama kung makatingin.

Hindi na ko nakapagpigil at palihim akong lumapit kay Steven at biglang hinablot yung cellphone nya.

"Ano bang meron dito at ayaw nyong ipakita?" sabi ko habang nakangiting mapang-asar sa kanilang lahat.

Lahat sila natulala sa akin. Nagtinginan silang lahat at sabay-sabay na napalunok.

Tumabi ako kay Maj ulit at sabay naming tinignan ang picture na kanina pa nila pinagkakaguluhan. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko at si Maj naman ay napalingon sa akin.

"Ikaw naman pala ang talk of the team eh," sabi ni Maj.

Tinignan ko si Steven ng masama "Ano to?! Hoy Steven!" galit kong sigaw sa kanya.

"Hindi naman ako yang nasa picture, bakit ako tinatanong mo?" natatawang sagot nya sa akin.

Nahihiyang sumulyap ako kay Kurt. Kaming dalawa ang nasa picture. Natutulog ako habang sya naman ay hinahalikan ako sa noo.

"Bakit? Ano ba yang nasa picture?" sabi nyang medyo namumutla na ang mukha.

Inabot ko sa kanya yung phone ni Steven at sa pagkabigla ko, unti unting kumalat ang pagpula ng kanyang mukha hanggang leeg at tenga.

Bumaling sya kina Steven, masama ang tingin.

"Hindi ako," Umiiling pang sabi ni Steven.

"Manyak!" sabi ko na nakatingin kay Kurt.

"What?" tanong nya na parang na eskandalo sa sinabi ko.

"You were kissing me while I was asleep! Manyak ka!"

"A-ano namang m-masama dyan?" nagkakandautal na tanong nya.

"Ba't ka nauutal?" mataray na tanong ko.

Mr. COLD (the heartbreaker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon