CHAPTER 24
"Hoy labas na dyan," sabi ko habang hinihila ko yung damit nya para hilahin sya palabas sa pinagtataguan nya.
"Wag mo 'kong hilahin," paangil ding sabi nya.
Gumulong sya para makaalis sa ilalim ng kama at umupo sa kama ko.
"Muntik na 'kong mahimatay kanina!" Hinampas ko sya at pabalabag na nahiga sa kama habang hawak ang aking dibdib. Ramdam ko pa ang malakas na kabog ng puso ko. Muntik na kaming mahuli.
Nakatingin lang sya sa akin na parang walang pakialam.
"Buti na lang naisipan kong sundutin ng buhok ko 'tong ilong ko para bumahing ako ng totoo," I was thinking aloud, forgot that I wasn't alone in my room at the moment.
Nabigla ako nang may tumawa ng malakas sa tabi ko.
Biglaan akong napatingin sa kanya sa lakas ng pagkakatawa nya. Hindi talaga nag-iisip!
"Hoy!" pabulong na bulyaw ko. "Stop laughing so loud! Yna's just within earshot!"
Hindi man lang sya natakot at tuloy pa din sya sa pagtawa ng malakas kaya ako na mismo ang nagtakip sa bibig nya.
Tumigil naman sya sa pagtawa nya at tinitigan ako. Halos maduling ako sa lapit ng aming mga mukha.
Nahiya ako sa sobrang lapit at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya tinakpan ko na lang ang aking mukha saka ako tumalikod sa kanya.Narinig kong natawa sya ng mahina at bumulong, "Parang bata.."
Imbes na sumagot ay tumayo na lang ako at umupo sa study table ko at naghanap ng kung anong makakalikot na gamit.
Hindi na din naman sya nagsalita kaya palihim akong sumulyap sa kanya. Nagulat ako nang nakatitig lang sya sa akin kaya bigla din akong napaiwas ng tingin. Narinig ko na lang ang kanyang mahinang pagngisi sa pag-iwas ko ng tingin.
"Bakit ba kasi yon?" naiiritang tanong ko sa kanya. Hindi ako mapakali sa titig nyang hanggang ngayon ay ramdad ko pa.
Hindi sya sumagot at naramdaman ko lang na nakatitig lang sya sa akin kaya nagtanong na lang ulit ako sa kanya. Nang hindi makatiis ay buong tapang akong lumingon sa kanya. "Ano ba?"
Umiling lang sya at nagpasya na akong lumabas nang makarinig na naman ako ng makina ng sasakyan na huminto sa labas ng bahay.
Tumakbo ako papunta sa bintana para silipin kung sino naman ang dumating.
"Bakit nandito sina Ice?"
Sumunod din sya sa akin at nakisilip sa bintana. "He seems very comfortable coming here."
Hindi ko pinansin ang sinabi nya at humarap sa kanya.
"Dumaan ka dyan sa bintana mamaya pag uuwi ka na para walang makakita sayo."
"Ikaw na lang dumaan dyan," masungit na sabi nya at bumalik sa kama ko, humiga at pumikit.
"What are you doing?" Wag nya sabihing balak nyang dito na lang matulog sa kwarto ko!
"You want me to go home?" tanong nya, nanunubok. Hindi sya dadaan sa bintana.
"Peste ka lumayas ka!" Sa sobrang badtrip ko sa kanya ay sinigawan ko na sya.
Hindi naman sya naapektuhan sa sigaw ko at ngumisi lang sa akin. Lalo pang lumawak ang pagkakangisi nya nang makarinig kaming dalawa ng mga footsteps na papalapit sa kwarto ko. Shit.
"Lei, ba't ka sumigaw? Anong nangyari?" narinig kong sabi ni Yna habang kinakalampag ang pinto.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Magsasalita ba ko or bubuksan yung pinto or kaya naman ay papabayaan ko na lang sila sa labas. Tumingin ako kay Kurt at nakangiti lang sya sa akin.
BINABASA MO ANG
Mr. COLD (the heartbreaker)
Teen FictionPaul Kurt Mendoza, first year college, engineering student. he has no mercy when it comes to girls! well, he doesn't care about other's feelings! know the reason behind his cold treatment to girls and how it will change.