Chapter 4

8 0 0
                                    

ARIA POV

Kanina pa ako nagtataka sa section na 'to ha. Hindi pa kasi dumadating ang susunod na Miss na magtuturo sa amin, kaya dapat mag-saya, eh kaso ang section na 'to ang tahimik, walang nagsasalita kahit isa. Ganito ba talaga dito?

May pinasang papel ang katabi ko sakin. Tiningnan ko kung ano yun, may sulat na nakalagay.

TO YOU: Hi Aria! I'm Isla. Ganito talaga kami. Paano ko nalaman ang nasa utak mo ngayon? Kasi.. mind reader ako, joke! Haha10x Halata kasi sa mukha mo.

Ang weird naman nito.

"Hi Isla! *ngiti*" Peste, napalakas ata ang pagkasabi ko nun ah, napatingin kasi ang lahat sa akin. 

Agad namang may inilapag na papel sakin si Isla.

TO YOU: Huwag kang maingay! Ganito lang tayo mag-usap.

Tiningnan ko siya ng mga may pagtataka sa mukha. Ininguso naman niya ang iba namin na mga kaklase, nasa gilid kasi kami at nasa likuran pa kaya kita ko lahat ng classmate namin.

"Attention seeker." Rinig ko pang bulong ng nasa harapin namin. 

Ganito talaga sila? Parang ang hirap naman mabuhay dito. *sigh*

XAVIER POV

♪♪ Kidnap my heart
And take me with you
Kidnap my heart
Make my dreams come true
Take me away
Cause falling in love ain't very far
Not far from the start
Kidnap my heart.   ♪♪ 

Who the heck is calling me?

"Tol, cellphone mo." Sabi ng katabi sabay tapik. Siya si Zachary Hinlab, ang puro papogi kong kaibigan.

"Tol, cellphone! Alam mong bawal yan eh." Sabi rin ng isa kong kaibigan na naka-upo sa likod ko. Siya si Arlo Mayol, ang weirdo kong kaibigan. 

Sh*t, nasa akin na tuloy ang lahat ng atensyon, pero okay lang, para may chance naman silang makakita ng pogi.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag pero nung pagkuha ko, hindi naman sakin ang tumutunog eh. Walang tumatawag sa cellphone ko kasi naka-airplane mode 'to. 

"It's not mine." I said to all. 

My name is Xavier Mendez. Half Spanish Half Pinoy. Pogi ako, sinasabi ko lang ang totoo.

♪♪ You've got to hold me tighter
I'm a real fighter
Don't tear us apart

Love at first sight never thought it could happen to me
But you made me believe
You made me believe, believe, believe ♪♪

Nasa akin pa rin ang tingin ng lahat kahit inamin ko na hindi talaga akin yun. Sh*t.

"Ah, its not really mine. If you don't believe me, then go to hell." Sabi ko sa kanila. Kainis kasi eh, sabing hindi sakin yun eh. Ang sensitive kasi ng section na 'to sa ingay. Kunting ingay lang na gagawin mo, na sayo na ang lahat ng atensyon. 

♪♪Kidnap my heart
And take me with you
(Yeah, yeah, yeah)
Kidnap my heart
Make my dreams come--♪♪   

"Hello ma?" At dahil dun, napalingon kami lahat sa likod.

Sa kanya pala yun.

ISLA POV

Lagot talaga 'tong katabi ko. Sa kanya lang pala yung tumutunog na cellphone. Pero bakit pareha sila ng ano, ng ringtone ni xavier? Nainis tuloy si xavier. Umpisahan na talagang magdasal nitong babaeng katabi ko. Bilang nalang ang mga oras niya. Hahaha Grabe, Isla.

Pero infairness, for the first time in history, ngayon pa lang naging ganito ang klase namin. Yung medyo maingay. Himala.

Hindi pa rin ata bumabalik yung katabi ko ah? Kanina pa yun eh.

"Okay class. Good morning." Panimula naman ni Miss Sungit/Miss Green samin. And as expected, tumango lang kaming lahat. Nakasanayan na yan.

"I heard that this class have a transferee." Sabi pa ni Miss at walang sumagot samin. "I already met her, just earlier. And, unfortunately, hindi siya makaka-pasok sa mga susunod pa na mga subjects niyo ngayong araw na 'to dahil may hiniling ang dean natin sa kanya."Dagdag pa ni Miss sa kanyang mga sinabi.

Ano naman kaya hiniling ng dean sa kanya? Pero, umalis siya na walang dalang bag, andito pa nga bag niya eh.

"And before I start this class, Ms. dela Cruz, can you please bring that bag of Ms. Gomez to the dean's office?" Ang tanga naman ng babae na yun, iniwan ang bag. "Ms. dela Cruz?" *sigh* Bahala siya sa buhay niya, di kami close kaya di ko dapat siya problemahin. "Ms. dela Cruz!" Sigaw ni Miss. "P-po?!" Natatarantang sagot ko naman. "I said bring that bag of Ms. Gomez to the dean's office!" Sigaw na naman ni Miss. Galit na siya. Huhu.

Kinuha ko agad ang bag ni Aria at nagmadaling lumabas ng room. Takot ko lang 'pag di pa ako lumabas.

"First day niya pa lang ha, pero ganito na ang nangyari. Just wow." Sabi ko pa sa sarili. 


BoomboxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon