Chapter 5

3 1 0
                                    

ARIA POV

"Anak, buti naman andito ka na." Sabi pa ng mama ko. Kung hindi ko lang talaga mahal 'tong mama ko, magagalit talaga ako dito. Kung hindi ba naman siya tumawag, hindi sana ganun ang mangyayari. 

First day ko pa lang, bad impression na.

"Nga pala ma, ba't mo pala ako pinapapunta dito?" Tanong ko sa kanya sabay upo sa kanyang tabi. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang matandang babae. 

"Good morning sa inyo Ms. and Mrs. Gomez." Ngiting sabi naman ng babae. "Good morning din po." Nakangiting sagot naman ng mama ko. "I am the dean of this school." Oh, siya pala ang dean? Tumango naman kaming dalawa ni mama. "So, simulan na natin. Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa." Sabi naman nito at umupo sa swivel chair. "Pinatawag kita Mrs. Gomez para sana hingin ang iyong kumpirmasyon sa aming ihihiling sa anak niyo." Dagdag niya pa. Ihihiling sakin? Ano na naman 'to?

"Po?" Takang tanong ko sa dean. "Oo, Ms. Gomez, may ihihiling sana kami sayo." Ngiting sabi naman ng dean. Sa totoo lang, ang creepy niya ngumiti. "Ano naman po iyon?" Tanong naman ng mama ko. Kinakabahan ata ako sa ipapagawa ng dean na 'to. 

Malas ko talaga ngayon. Peste.

ISLA POV

"Announcement. Good morning to all my co-students!" May announcement? Ano na naman kaya ito?

"Alam niyo ba kung ano ang mangyayari this week?" Ha? Ano naman? 

"Di niyo alam? Nakalimutan niyo na ba? On friday is our foundation day!" Whoa! Ayos! Walang klase! Saya nito.

"At starting today, preparation ng lahat ng section sa kanilang mga pakulo sa foundation day." Di pala masaya. Binabawi ko ang sinasabi ko. 

"Kaya, mag-isip-isip na kayo kung ano gagawin niyo ha? Dahil maganda ang premyo natin ngayon sa tatanghalin rank 1 sa may pinakamagandang pakulo." Pwede magkasakit ngayong week na 'to?

"So, goodluck to all and have a happy day!" Pagtatapos niya sa kanyang announcement. Siya si Clark Brillantes, our SSG President. Galing din yan sa section namin. Sa labas maingay kami pero sa loob ng room, ibang-iba. *sigh*

Andito na ako sa harap ng dean's office. Natatakot talaga akong pumasok dito dahil sa matandang yun. Sino? Yung dean namin na sobra-sobra ang kasungitan.

"*knock-knock* G-good morning po." Sabi ko pagbukas ng pinto. Andito nga si aria, may kasama siyang isang babae, mama niya siguro, magka-mukha kasi sila. "Oh Isla. Ba't ka andito?" Tanong naman ni aria. "Ah, pinapahatid kasi sakin ni Ma'am Su- ah, Ma'am Green yung bag mo." Sagot ko naman sa kanya. Muntik na ako dun ah.

"Oh ok. Salamat Isla ha?" Kinuha na nga niya yung bag sakin na may problemadong mukha. Na ano 'tong babaeng 'to? Problemadong-problemado. 

"Walang anuman." Sabi ko kay aria at tinanguan lang niya ako bilang sagot. 

Hmm.. Ayoko sa atmosphere dito. "A-alis na po ako. Thank you po." At umalis na nga ako ng walang narinig kahit isa sa dean na yun. Ok. 

ZAC POV

Sa wakas at recess na! Kanina pa kasi ako talaga nagugutom eh.

"Zac, cafeteria tayo." Pangigimbita sakin ni Arlo. "Sige, pero daan muna tayo CR." Sagot ko naman. "Lagi nalang." Inggit talaga 'to kahit kailan si Arlo sakin. "Oh, ver, sama ka ha." At ang gago tumango lang. Kahit kailang talaga.

"Foundation day." Sabi pa ni Arlo nang wala sa sarili nang makarating kami sa CR. 

Oo nga pala, foundation day namin. Sa kasamaang palad. Ayoko talaga ng mga event2 sa school na 'to. Alam niyo kung bakit?

"Tingin niyo ano gagawin natin? Anong pakulo kaya?" Yan, yan ang dahilan, ang gagawin naming pakulo sa section namin. 

"Paniguradong huli na naman tayo sa ranking ng mga magagandang pakulo." Dagdag pa ni Arlo sa kanyang sinabi.

"As expected na yan." Sabi pa ni Xavier. 

"Oo alam ko pero sana magbago naman. Nakakasawa na eh. Sa lahat kasi ng event sa school na 'to section natin ang nasa pinakahuli parati." Reklamo pa ni Arlo.

"Huwag niyo na nga yan problemahin." HIyaw pa ni xavier. Tama nga naman, hindi nalang kami mag-reklamo. Nasanay naman din kami. "Bilisan mo nga diyan Zac!" Dagdag pa nito. 

"Bilisan mo! Pangit ka pa din kahit anong ayos mo diyan." Hiyaw din ni Arlo. Kainis talaga 'to sila, hindi makapaghintay.

"Oh, tapos na!" Sigaw kong sagot sa kanila. Kahit kailang talaga 'to sila, hindi nila maintindihan kung gaano kaimportante ang mag-ayos. Porket di mga gwapo eh. *sigh*

"Tol, anong i-play mong kanta ngayon?" Tanong ko pa kay xavier. Sa cafeteria kasi may isang malaking song player dun. Simula nang mapunta kami sa school na 'to, si xavier lang ang gumalaw sa player na yun, kaya ayun siya na ever since yung taga-pili ng kanta, at wala pang kahit sino ang nag-dare na mamili din ng kanta dun, natatakot guro kay xavier.

Hindi ako sinagot ni xavier at dumiretso siya sa player. Kami naman ni Arlo pumunta sa order section.

Now Playing: Good Day by The Click Five

♪♪I woke up early in my hotel room
Wait for my alarm to go.
I think about the things I've gotta do
Damn, my mind is gonna blow.
I'm freaking out, about what's ahead
Maybe I'll just stay in bed
'Cause it's no fun to be the one going out of my head
So I tell it to myself again♪♪

Pagkatapos i-play ni xavier ag music ay pumunta din si xavier sa order section. Kami naman ni Arlo naghanap ng upuan.

♪♪You're looking for something you can't find
If you give it up, you'll lose your mind
There's always something in your way
What can you say?
You're gonna have good day♪♪

"Good day by The Click Five." Sabi naman ni xavier nang makarating ito sa kinauupuan namin.

He really loves music. Yan lang masasabi ko sa kanya. 

BoomboxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon