ISLA POV
"Nay, luto na po ang ulam." Sigaw kong sabi kay nanay.
"Naku, anak! Dapat di mo na yan ginawa. Baka ma-late ka pa." Sabi naman ng nanay ko. Siya si Elisa dela Cruz.
"Sus, hindi nay oy. Nag-iigib pa naman din si tatay ng tubig." Sagot ko sa kanya. Oo, mahirap lang kami, pero masaya naman at higit sa lahat nagmamahalan.
"Anak! Tapos na akong mag-igib ng tubig mo! Maligo ka na!" Sigaw naman ng tatay ko.
"Oh sige na anak. Maligo ka na. Ako na dito." Sabi naman ni nanay habang tinutulak ako papuntang banyo.
"Oo nay. Maliligo na nga!" Sagot ko naman sa kanya. Ayoko pa talaga maligo kasi ang lamig ng tubig tuwing 5AM. Oo, maaga talaga ako gumigising kasi naman marami pa akong gagawin bago ako pumunta ng school noh.
Gusto ko sana hindi pumasok ngayong araw na 'to eh *sigh*.., kaso kailangan. Kahapon kasi sabi ng adviser namin na mag-meeting kami for 1 hour para sa gagawing pakulo, kaya nag meeting kami. Eh kaso, silent meeting pala ang magaganap, kaya natapos nalang ang 1 hour, wala pa ring nagsasalita. Kainis! Lagi nalang.
"Ate! Bilisan mo namang maligo!" Hiyaw ng bunsong kapatid kong lalaki. Siya si Nicholas dela Cruz. Ang kulang sa height na lalaki.
"Oo na! Malapit na ako matapos. Bansot!" Sagot ko sa kanya. Ok lang din naman na ma-late ako ngayon kasi walang klase eh, preparation lang lahat ang gagawin. Busy lahat ang mga estudyante niyan pwera nalang sa section namin.
Bakit ba kasi naging ganito section namin?
ARIA POV
"Ma? May breakfast na ba?" Tanong ko kay mama pero etong si mama parang nakakita ng multo, gulat na gulat.
"Anak may sakit ka ba?" What the hell?
"Ma! Wala! Na ano ka ba?" Nagtatakhang sagot ko naman sa kanya.
"Anak, aga mo ngayon!" Ohh.. Yun lang pala. Eh kasi ayaw ko na mangyari yung mga nangyari kahapon eh. Ang peste ng araw ko kahapon.
"Ma, kasi for a change naman." Sagot ko kay mama. " Ay! Ma, dalhin ko nalang 'tong sandwich, sa kotse nalang ako kakain, 7AM na po kasi." Dagdag ko pa at umalis na ako ng bahay.
"Anak, ingat!" Rinig ko pang bilin ni mama.
So, this is my second day. Sana naman maging maganda ang araw na 'to.
"Aga natin ija ah. Alis na ba tayo?" Gulat din na tanong ni manong habang umiinom ng kape.
"Oo manong eh. Pamabawi sa lahat ng late ko." Natawa naman si manong sa sinabi ko.
"Talaga lang ija ah? Oh, tara na." Sagot naman ni manong. Si manong na yung driver namin since bata pa kami ng kapatid ko, mga nasa edad 7 years old ako. Kaya kilalang-kilala na niyan ako. Nung pumunta naman kami ng new york nila mama, stop muna siya sa pagiging driver namin, siya at yung asawa niyang si manang muna ang caretaker ng bahay namin dito.
"Ija, dito na tayo." Sabi naman ni manong. "Ay salamat po manong. Bye! Text nalang po kita kung magpapasundo na po ako." Sagot ko naman sa kanya.
Bumaba na ako ng kotse at tiningnan ko muna ang pag-alis ni manong bago ako pumasok sa gate. Napaisip ako bigla na 'di kaya napapagod si manong na magsilbi sa pamilya namin? Medyo tumatanda na kasi si manong.
Humarap na ako sa entrance ng campus, eh kaso sa eksaktong pagharap ko, parang gusto ko ng lamunin ako ng lupa ngayon mismo.
Why so harsh life?

BINABASA MO ANG
Boombox
RomansaNagkatagpo ang ating landas sa hindi inaasahang pagkakataon dahil sa bagay na iyon. Subalit, mapaglaro ang tadhana nakilala kita sa maling panahon. Ano kaya ang ating patutunguhan? Magiging isa ka na lang bang parte ng aking nakaraan o makikita kaya...