Chapter 1

20 0 0
                                    

ARIA POV

"Good morning Ma'am." Bungad ng mga guards sakin at bilang sagot tinanguan ko lang sila.

"Good morning ma'am, may meeting po kayo mamaya after 15 minutes." Meeting na naman. Life why so hard?

"Ok. Where is my secretary?" 

"Hindi pa po siya dumadating ma'am eh." Late siya? Himala.

"Ok. I will now proceed to the meeting venue." Tinanguan niya lang ako bilang sagot.

Dumiretso na nga ako sa meeting venue and as expected wala pang tao. I texted my secretary kung saan na ba siya.

To: Office Secretary

Where are you?

"Hey boss! Looking for me?" Peste talaga 'to. 

"Not really. Why are you late?" Tanong ko sa kanya. "Wala ka na dun ma'am." Inismiran ko lang siya bilang sagot. 

"Ah, nga pala ma'am, before anything else, I would like to inform you that all your meetings today are cancelled." Whaaat? 

"Anong sinabi mo?" Paninigurado ko sa kanya.

"You heard me right ma'am." Sagot niya sakin.

"Ok? I don't have anything to do pala so I'm gonna leave now." Sayang yung effort ko ah.

"Hahahaha." Peste tinawanan lang ako. Maka-alis na nga.

Aalis na sana ako nang bigla niya akong pinigilan. "Ma'am, wala ka bang naaalala ngayong araw na 'to?" Tanong niya sakin na may ngiti sa mukha. 

"Ha? hmmm. Let me think." Meron ba? Mukhang wala naman ata. 

"Nah, I don't have." Nagulat siya sa aking sinagot. 

"Seryoso ka ma'am? Wala talaga?" Paniniguro niya sakin. 

"Yes. So, excuse me." Mataray kong sagot ko sa kanya. 

"Ma'am naman eh!" Hiyaw niya sakin. 

"I'm your boss, remember? So, excuse me." Sagot ko sa kanya at dumiretso na ako sa opisina ko.

Bakit ganun siya maka-react? Weirdo talaga yung babae na yun.

"Ma'am!" Ay peste. Ang hilig nito manggulat. 

"What again?" Iritang tanong ko sa kanya.

Ngunit nadismaya ang kanyang mukha sa aking isinagot sa kanya. "You really change a lot Aria. *sigh*" Alam ko. Pero ako pa rin naman ito, hindi ko lang ipinapakita sa inyo. I really want to answer her like that but sadly I didn't do the thing. "Shut up." Sagot ko nalang sa kanya.

Napabuntong-hininga nalang siya sa aking sinagot. She is my friend for a long time, we've been together for how many years and she is always there for me, we even have a gang before, but after the incident happen way back 10 years, those friendships shattered along with the memories. And now, lot of people asking me why I prefer to call her my 'secretary' than her name even though she is my friend, it's just because I don't wanna remember everything about the past.

"Ma'am, nakalimutan mo talaga?" Pambabasag niya sa katahimikan. 

"Ang ano nga? Kanina ka pa ha." Sagot ko sa kanya.  

Nag-ikot-ikot siya sa paligid ng aking opisina, at ako naman tiningnan lang siya. "Ano ba hinahanap mo?" Tanong ko sa kanya. "Yung nakalimutan mo." Ha?

Umupo nalang ako sa swivel chair ko at nag-iisip kung ano ang pwede gawin. Pero nagulat nalang ako nang may inilapag ang babaeng 'to sa table ko na naka crossed arms pa. "Ayan! Yan ang nakalimutan mo." Sabi niya sakin. Tiningnan ko kung ano ang inilgay niya at lumaki ang aking mga mata sa aking nakita. O.O "Anong date ngayon?" Bigla kong tanong sa kanya. "March 28, 20** ma'am." Ngumingiti pa niyang sagot. 

Omg. Ngayon yun. 

"Oh, ano ma'am?" Ngayon talaga yun? 

"Tinapon mo kasi sa basurahan ma'am kaya mo nakalimutan." Bakit 'di ko naalala yun?

"Hoy ma'am!" Binatok niya ako at dahil dun bumalik ako sa diwa ko.

"Di ako aattend." Sabi ko sa kanya. "What? No, no. You should go, I mean we should go." Sagot niya pa. "Di nga ako aattend. Ikaw nalang." Ayoko talaga. 

"Aria Olivia, sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka at aattend tayong dalawa!"The heck. She is really serious now, and once she is serious no one can stop her from what she wants to do.

Ayaw ng isip ko pumunta pero gusto naman ng puso ko. Should I attend or not? "Okay, I will attend." At yan ang naging desisyon ko. "Ano ba dapat gawin bago magsimula ang isang 'Alumni Homecoming'?" Tanong niya sa kanyang sarili. "Edi, mag-handa! Tara, shopping na!" Sagot pa niya sa kanyang tanong. 

Am I ready to this?


BoomboxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon