Chapter 2

6 0 0
                                    

ARIA POV

"Ready ka na ba?" Tanong ng secretary ko.

"Kanina pa." Ito na talaga ang tamang panahon. Siguro?

"Kabahan ka na aria. Hahahaha" Alam ko.

"Kanina pa." Haays. Ito na yung hinihintay ko eh.

"Puro ka 'Kanina pa' ah." Pero bakit parang gusto ko umatras?

"Kanina pa." Hindi, bawal umatras.

"Sira ka ba? Hoy!" Sigaw niya sabay batok. "Ano ba?!" Hiyaw ko sa kanya. "Anong 'Ano ba?!' para kang sira diyan eh. Kumalma ka nga." Kalma naman ako, dba?

"Ma'am, di pa ba tayo aalis?" Tanong ng aking driver.

"Ha? Sorry manong. Sige alis na po tayo." Sagot ng aking sekretarya. "Sige ma'am." Sagot naman ng driver ko. "Ikaw kasi aria eh! Grand entrance talaga tayo nito." Luh, makareact tong sekretarya ko parang di niya kaharap boss niya ah. "Hoy! Tandaan mo boss mo pa rin ako. Kaya wag kang ano." Hiyaw ko sa kanya. "Bumabalik ka na. *ngiti* At nga pala, wala tayo sa opisina aria kaya wag ka rin ano. Bleh." Hiyaw din niya sa akin. Peste talaga to sya eh. Inismiran ko siya bilang sagot.

"Bilisan mo manong, ayoko ma-late. ok?" Sabi ko nalang sa driver para maiba ang usapan. Ayoko talaga ng grand entrance. May phobia na ata ako diyan. "Yes ma'am, pero kailangan natin sumunod sa speed limit eh. Tapos, rinig ko pa kanina ma'am na traffic sa may roxas ma'am." Sagot ng driver. "Naman! Grand entrance talaga 'to. Malas natin ngayon ah." Sabi naman ni Isla.

*sigh* Cooperate naman kahit minsan tadhana. Peste. Lagi nalang. Whoa, excited ako? Di naman, diba?

Tumingin-tingin nalang ako sa paligid habang nasa biyahe kami.  Naisip ko bigla na medyo matagal-tagal na din pala simula ng makakita ako ng mga ganito. Yung mga taong masaya kahit alam nilang sa susunod na mga araw ay di na sila sasaya. Makikita ko kasi sa kanilang mga mata na totoong masaya sila. Lahat ng tao may kasama pwera nalang sa isang babae na para bang mag-isa lang. Nasa tabi lang siya at parang may hinihintay. Siya lang sa mga tao dun ang mag-isa, pero bigla nalang siya tumayo at tumakbo, sinundan ko siya ng tingin ngunit 'di ko na siya makita pa. Nakita na niya siguro ang hinahanap niya. 

"Manong, on mo nga yang radyo mo. Ang tahimik eh." Reklamo ng magaling kong sekretarya.

RadioAnnouncer1: Magandang gabi sa lahat! Oh pare, rinig ko may party ang isa sa mga sponsor natin ah.

RadioAnnouncer2: Hindi party pare, kundi homecoming! Hahaha. 

"Ma'am, ilipat ko ba?" Tanong ng driver. "Naku, wag manong. Diyan lang." Sagot naman ng secretary ko.

RadioAnnouncer1: Ay ganun ba? Sorry naman. So, calling all the alumni of Jordan East High School, may alumni homecoming kayo.

RadioAnnouncer2: Tama nga ang rinig niyo listeners. Alumni Homecoming ng Batch 20** graduates. Ayos dba?

RadioAnnouncer1: Nga pala pre, alam mo ba ina tong song na i-play next ay request mismo ng dean ng JEHS.

"Rinig mo yun aria?" Tanong niya sakin. "Of course, I do." Sagot ko sa kanya. "Iba na talaga ang dean ngayon, bagets! May pa request-request pa ng song." At bilang sagot ko, inismiran ko lang siya. 

RadioAnnouncer1: Alam mo kasi pre, ang song na 'to ay tumatak daw sa batch na 'to dahil sa dalawang lovers.

RadioAnnouncer2: Naman, lovers! Ang tanong, lovers pa rin ba hanggang ngayon?  Hahaha Oh, play na yan, excited tuloy ako pakinggan yan.

RadioAnnouncer1: Atat mo pre. So, here is the next song, requested by the dean of JEHS. Have fun listening. 

Now Playing: Smile in Your Face by Harana

I had a feeling
That your holding my heart
And i know that it is true
You wouldn't let it be broken apart
'coz it's much to dear to you
Forever we'll be together
No one can break us apart
For our love will truly be
A wonderful smile in your heart  

"Oh God. Manong off mo na yan." Natatarantang sabi ng secretary ko.

This song. It makes me cry. 

When the night comes
And i'm keeping your heart
How i feel so much more secure
You wouldn't let me close my eyes
So i can see you through and through  

"Bakit naman ma'am? Ang ganda kaya ma'am." Sagot naman ng driver ko habang sinasabayan ang kanta.

"Si manong naman eh. Alam kong maganda nga. Kaso ehh...." Tumingin siya sa akin kaso ako eh, sa labas lang naka-tingin.

Tadhana, why so mean to me?

You're a sweet tender lover
We are so much in love
I'm not afraid when you're far away
Just give me a smile in your heart...  

"Ma'am, malas talaga natin oh. Traffic talaga dito sa roxas." Sabi ng driver. "Ok lang manong." Sagot naman ng secretary ko.

Nasa labas lang ang tingin ko. Ayoko dumako kahit kanino ang aking mga mata dahil naiiyak na talaga ako. Ayoko umiyak ngayon. Huwag ngayon. Huwag muna.

You brighten my day
Showin' me my direction
You're comin' to me
And givin' me inspiration
How can i ask for more
From you my dear
Maybe just a smile in your heart  

"Ganda talaga ng kanta na 'to mga ma'am." Sabi pa ng driver ko. Oo alam ko, maganda talaga yan. "Hala! Tingnan niyo po sa labas ma'am oh." Dagdag ng driver ko. "Ano na naman manong?" Sagot ng secretary ko. "Yun po oh, FOR SALE!" Tiningnan ko kung ano yun. "Saan diyan?" Tanong ng secretary ko. "Yung boombox po, for sale. Eh, gustong-gusto yan ng anak ko eh. Lalabas po muna ako at bibi-" 

"Manong! Huwag. Aandar na po tayo oh, ayaw namin ma-late." Pigil ng aking skretarya sa kanya.

Boombox. Tadhana, nanadya ka ba?

 I'm always dreamin'
Of being in love
But now i know that this is true
Since you came into my life
It's true love that i had found  

Tinutukan ko lang ang bagay na iyon nang biglang bumalik sa isipan ko ang lahat. Ang nakaraan. Ang nakalipas. Ang pilit na kinakalimutan. Boombox.

I pray that you wouldn't leave me
Whatever may come along
But if you do i won't feel so bad
Just give me a smile in your heart...

You brighten my day
Showin' me my direction
You're comin' to me
And givin' me inspiration
How can i ask for more
From you my dear
Maybe just a smile in your
(maybe just a smile in your heart)

You brighten my day
Showin' me my direction
You're comin' to me
And givin' me inspiration
How can i ask for more
From you my dear
Maybe just a smile in your heart

Give me a smile in your heart...  

BoomboxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon