ARIA POV
Ito na! Umpisa na naman ng bagong buhay.
"Aria, bilisan mo! Andyan na sa labas driver mo." Siya si Anne Gomez. My OA yet so beautiful mother.
"Oo ma! Andito na." Sagot ko naman. "Ma, alis na ako. Himala po talaga, hindi ako late ngayon." Dagdag ko pa. "Oo nga anak no? Sige paka-bait ka ha? Remember just be you." Paalala ng mama ko sabay halik sa noo. I just smiled to her as an anwer.
"Ate, ba't di ka pa umaalis? Late ka na oy!" Sigaw ng bunsong kapatid ko na babae. Siya si Astrid Gomez. Makulit pero maganda kong kapatid. "Anong late? Ang aga pa oh. Tingnan mo nga yung orasan." Nagulat siya sa aking sinabi, tamo, siya din nahihimalaan sakin dahil di ako late.
"Ate, sira ang orasan na yan! Nahulog ko kasi kagabi eh." Mali narinig ko dba? "Anak, Diyos ko! Sobrang late ka na nga! Malapit nag mag 9AM. Sige na, alis na! Bilis, first day mo pa naman ngayon." Sabi ng mama ko at tinutulak na niya ako palabas.
OMG This is not happening. I am super late na!
"Manong, bilisan niyo po!" Sigaw ko sa driver namin.
Ako si Aria Olivia Gomez. Pure pinoy, walang half. Nagpapakatotoo sa sarili. ☺
Pagkadating ko kaagad sa school eh, tumakbo ako ng napakabilis papunta sa gate.
"Oh, ija. I.D." Bungad ng guard sakin. "Ah, eto po oh." Naman! Late na ako nito. "Late ka na ija ha. Bawal ang late comers dito sa school na 'to. Pero pagbibigyan kita dahil alam kong transferee ka." Ngumiti nalang ako sa guard bilang sagot dito.
Pagkatapos ako i-check ng guard eh, pumasok na ako. Kaso, kailangan ko pa hanapin ang room ko. Malas ko talaga. Bumalik ulit ako sa main entrance at tinanong ang guard.
"Ahm, manong guard, saan po ang A-12 na room?" Tanong ko sa guard. "Diyan po oh. Second Floor." Sagot ni manong guard. "Thank you po!" Sigaw ko at tumakbo na nga ako ng napakabilis.
ISLA POV
"Any questions, before I leave this class?" Tanong ng miss namin.
Ang sagot ng lahat ng estudyante sa tanong na yan, "Wala po, miss." Ganun!
"Meaning, you all understand what we've discussed today?" Tanong naman ulit ni Miss.
At ang sagot din natin diyan ay, "Yes, miss." Ganun! May naintindihan daw, wala naman pala. Ang hirap kaya ng math.
I am Isla dela Cruz. Young and pretty. Bobo sa calculus pero marunong sa science.
-boosgssh- "OMG. *hingal* I'm so sorry." O.o sino siya?
"Oh, at last!" Sabi naman ni Miss. Magkakilala sila? Ngayon ko lang ata nakita yan dito.
"Who is she?"
"She's cute naman."
"She look terrible."
"Sino siya?"
"Grand entrance lang ang peg?"
"Lame."
"I've been waiting for you Ms. Gomez." Sabi ni Miss. Sino ba talaga 'tong babaeng 'to? First time maging ganito ang section namin ah.
ARIA POV
Now, this is so freaking kahihiyan ngayong araw na 'to.
"Ms. Gomez, come inside." Sabi naman ng teacher na nakangiti. Kilala ko 'to, siya ang nag-entertain sakin nung nagpa-enroll ako.
Tiningnan ko ang lahat ng estudyante sa room na iyon. Ang tingin nila lahat nasa akin. Arrgh! Awkward.
"Everyone, I'd like you all to meet. Ms. Gomez." Pagpapakilala ng teacher sa akin. I just smiled to them genuinely, eh kaso parang wala silang gana na makilala ako eh.
"Ms. Gomez, introduce yourself to them." Sabi naman ng teacher sakin. "And, nga pala, just call me Miss." Dagdag pa niya at tinanguan ko lang siya.
"Hi and hello. *smile* My name is Aria Olivia Gomez. I am from New York, I transferred here for a certain reason." Pagpapakilala ko. Nagtanguan lang sila bilang sagot. "Ok, Ms. Gomez thank you for that nice introduction of yourself. Hope that you will like it here." Sabi naman ni Tea- ah, eh Miss. "You will seat beside Ms. dela Cruz. Over there." Dagdag niya at itinuro kung saan ako uupo.
"Hi." Bulong sa akin ng aking katabi. Weird, bakit kailangan ibulong? Sana magkasundo kami nito.
"Hello." Ngiting sagot ko sa kanya at nginitian din lang niya ako bilang sagot. Sweet smile.
So, this is my first day. Malas. Sana gaganda pa ang mga susunod na mangyayari.
BINABASA MO ANG
Boombox
RomanceNagkatagpo ang ating landas sa hindi inaasahang pagkakataon dahil sa bagay na iyon. Subalit, mapaglaro ang tadhana nakilala kita sa maling panahon. Ano kaya ang ating patutunguhan? Magiging isa ka na lang bang parte ng aking nakaraan o makikita kaya...