kahit saan, kahit anong oras at kahit anong lagay ng panahon hindi kami mag kasundo ni kath. ewan ko ba bakit sa tuwing nakikita ako nun parang ang dami dami niyang problema. at ako kapag nakikita ko siya ang sarap sarap niyang asarin. Sa sobrang pagkasweet nga namin e nakasanayan na namin ang tawagang pangit na palaka! OOOOPS! Siya ang nauna at hindi ako...
Ganito kasi yan, ikekwento ko pano nag simula yung tawagang pangit na palaka. nag aya kasi sila Diego ng Movie Marathon sa kanila, edi siyempre sabado yun walang pasok kaya sumama ako sa kanila, siyempre andun si Julia tsaka mawawala ba si kath? siyempre hindi. Hindi ko alam kung nang aasar ba si julia o silang dalawa ni Diego o kasabwat din nung araw na yun si Kath. Diba alam nila yung kwento sa palaka,
FLASHBACK 4X
Ano una natin papanoorin?- tinanong ko sila, tahimik lang si kath na naka upo sa sahig. ayaw umupo sa upuan.
Suprise- sabi ni julia na nakangiti pa tas tumingin kay diego parang may ginawang kakaiba
FROG PRINCE!- sigaw nun ni kath nung nag umpisa na yung movie, napatingin nga ako ng masama kay diego e. pero nagulat din siya. sa nakita niya. tawa ng tawa si kath habang nanonood, ako naman inis na inis na habang tumatawa siya nakatingin siya sakin!
Teka! bat yan yung pinapanood natin? ang baduy! - sinabi ko sa kanila yun tapos si kath tiningnan ako ng masama. yung babaeng yun talaga kahit kailan
Hindi ko pa kasi napapanood yan e. PLEEEEAAAASSSEEE :)- sabi ni julia samin na parang nag mamakaawa na yun muna ang panoorin.
Mamaya na lang yan, iba na muna panoorin natin - sabi ni diego kay julia, tapos pinalitan na yung Cd ng Horror! ang galing talaga ni Diego. nako buti naman at makakaganti na ako kay kath mamaya.
nag simula na yung palabas, siyempre sa una di pa nakakatakot nung nasa kalagitnaan na yung palabas, may sumigaw
WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH! -nagulat si kath at napasigaw nung biglang lumabas na yung itsura nung lalaki na nakakatakot sa screen
Hoy ano yun!- nagulat ako e, may biglang humawak sa binti ko tas inangat ko agad sa sobrang takot ko...
WAHAHAHAHA! nababakla ka na ba palakang pangit?- sabi ni kath sakin? ah palakang pangit pala ha... tas tawa pa siya ng tawa dahil siyempre nga napasigaw ako.
Hoy! pangit na palaka! hinawakan mo kaya binti ko kaya nagulat ako! -
Dadahilan ka pa diyan, if i know.. hahahhaaha natakot ka rin - aba at ako pa yung nagdadahilan e siya nga yung sumigaw ng pagkalakas lakas sa sobrang takot!
Sus! mahiya ka naman kila Julia, ikaw lang ang natatakot! -aba itong kath na to may gana pang dilaan ako!
pinatay ni Diego yung ilaw tas binuksan yung Lamp shade . nung papatayin na nung lalaki yung isang bata, bigla ako nag karoon ng katabi! yung tawa ng tawa kanina eh eto na sa tabi ko sinisiksik ako sa sobrang takot, at para mas lalo pa siyang matakot iniwan ko siya sa sofa at umupo naman ako sahig na inupuan. Nako! lumipat din siya agad! at mapamaraan itong si kath, para di na ko makatayo kumapit ba naman sa kamay ko hanggang sa namatay na yung lalaki.
Hoy pangit na palaka! bitawan mo na nga ako, sobra sobra na yang panananchansing mo sakin ha!
Hoy ang kapal mo para tawagin akong pangit na palaka! ikaw yung pangit na palaka and HELLO as if naman na may gusto ako sayo para chansingan kita. yuck mahiya ka nga sa sarili mo!
-END OF FLASHBACK-
at mas lalong lumala ang sweetness namin ni kath, este ang pag aaway namin. Minsan papasok yun sa school na may drawing na palaka at ididikit sa likod ko kapag palabas ako ng room na may nakasulat na "I AM YOUR FROG PRINCE" medyo napapahiya na nga ako dahil dun e pero hindi pa rin nababawasan ang kagwapohan ko sa mga Fans ko.
.......................................................................................................
Hi I'm here, Julia :) gusto niyo ba ng chismis tungkol dun sa dalawa? aba siyempre madami ako niyan, ako ata ang bestfriend ni Kath! Alam niyo yang Si Dj at Kath, there are times na magkasundo sila at di nag aaway , nagugulat nga kami ni Diego diyan minsan e, kahit mga mommy nila nagugulat! Pero mas madami pa rin yung bangayan niyang dalawa. eto na ang unang chismis!
So ganito kasi yan, medyo may hindi kami pinagkakasunduan ni Diego nung araw na yun.
Diego: Hindi ko nga gusto yung sa Pizza hut na Cream of mushroom e!
Julia: e hello, yung cream of mushroom dun sa ******* gusto mo parang di naman fresh! parang panis na!
Diego: edi dun ka kumaen isama mo si kath kung gusto mo! isasama ko si Dj sa *******
kath & Dj: ayoko nga sumama sayo! -promise. sabay sila at pareho pa sila
Kath: oo nga dj wag tayo sumama sa kanila
Dj: sa iba na lang tayo kumaen dalawa.
Kath: tara na nga!
ano reaction namin ni diego? eto lang naman O____O so sa iba nga sila kumaen tapos naging okay kami ni diego dun na kami kumaen sa gusto ko, ng nakita na namin yung dalawa aba naka ngisi pa sila na abot hanggang tenga!
mamaya na ko na sila ichichismis ulit, sabay kami ni diego :">
....................................................................................................................
If you like my story
Support, Read, Vote and leave a comment :")
BINABASA MO ANG
No regrets ♥
Fanfiction(UNDER REVISION) paano kung masaya ka na biglang babalik yung past na matagal mo ng kinalimutan at handang gawin lahat mapatawad at mahalin mo lang muli Sino pipiliin mo? yung past na iniwan ka o yung present na handa kang pakawalan kahit na mahal...
