Someone's Pov
Umalis ako kasi naging mahina ako. Masyado akong nasaktan sa ginawa nila sakin. isa lang naman ang gusto ko yung mabuo yung pamilya namin, maging masaya ulit kahit madaming taong ang lumipas. pero hindi ako naging masaya, siguro kasi nasanay ako na dalawa lang kami ni mommy.
Nasaktan ako sa nangyari, feeling ko niloko nila akong lahat. Pinag-ka-isahan nila akong lahat. Pero hindi naman solusyon sa lahat ng problema ang pag-alis. umalis ako hindi para tumakbo, umalis ako para makapag-isip isip ng ako lang. Dahil kung hindi ako umalis, hindi ako makakapag-isip ng maayos.
Hindi pag-takas ang solusyon sa lahat ng problema. minsan kahit nakapag move on ka na sa nangyari, kahit okay ka na parang may kulang pa rin. kaya kailangan mo pa rin harapin yung mga bagay na iniwan mo lang basta basta hindi para masaktan ulit gaya ng sakit na naramdaman mo kundi para mabigyan linaw ang lahat. Kahit na alam mo sa sarili mo na ‘hindi ka na galit’ o ‘wala ka ng nararamdaman pang galit’ mas maganda pa rin na mapag-usapan yung pangyayari na nangyari na. hindi mo naman babalikan para ulitin, lilinawin lang para mas magaan sa pakiramdam at mas masarap sabihin na nakapag move on na ako sa nakaraang nasaktan ako pero may natutunan naman ako at yun ay ang ‘mag-patawad’
Umalis ako para pag-balik ko, kaya ko na silang harapin lahat, at kapag nabigyan ng linaw ang lahat, madali na lang sakin mag-patawad.
Okay na kami ng dad ko, kahit iniwan niya ko, kahit na mas pinili niya si tiffany over me ‘noon’ kahit na lumaki ako na wala siya, kahit madaming birthdays and especial occasions na wala siya, na hindi namin siya kasama ni mommy at kahit na nag-away kami, hindi na yun mahalaga dahil Siya pa rin ang daddy ko. kahit baliktarin man ang mundo, kahit maging heart shape pa yung shape ng earth, siya pa rin ang daddy ko. kung hindi dahil sa kanya, walang Kathryn Bernardo. Wala ako.
Si tiffany? Okay na kami. Mababago ko ba yung past? Hindi naman diba? Nakaraan niya yun, nakaraan nila ni Daniel yun at hindi ako kasali sa kung anong nakaraan man ang meron sila. Kahit na ang laki ng kasalanan ng mommy niya samin ni mommy, kahit na nagulo niya yung buhay ko at kahit na nasaktan ako sa mga pinag-gagagawa niya kapatid ko pa rin siya. hindi niya kasalanan yung kasalanang nagawa ni daddy at ng mommy niya sa mommy ko. hindi niya kasalanan na maging anak siya sa ibang babae ng daddy ko. hindi rin niya kasalanan na mahalin ng sobra sobra si daniel dahil pareho lang kami at nag-kataon lang na iisa yung taong mahal namin. wala naman siya kasalanan diba? Ang mahalaga naman ay marunong siyang mag-sabi ng salitang ‘sorry’ and she really meant it.
Nandito ako sa airport ngayon, pabalik na ko ng pinas kasama si daddy, tiffany and ate monique. Babalikan ko na lahat ng iniwan ko, babalik na ako kay daniel.
"a start of something new, A new life" ----kathryn Bernardo
Sinara ko na yung diary ni kath.
BINABASA MO ANG
No regrets ♥
Fanfiction(UNDER REVISION) paano kung masaya ka na biglang babalik yung past na matagal mo ng kinalimutan at handang gawin lahat mapatawad at mahalin mo lang muli Sino pipiliin mo? yung past na iniwan ka o yung present na handa kang pakawalan kahit na mahal...