Tunay na Pag-ibig

34.4K 45 6
                                    

Sa di inaasahang oras at panahon, darating ang di inaasahang tao.
Isang taong ,ating pakamamahalin ng buong buo.
Na mamahalin ka din ng walang pag dududa.
Aalagaan ka at pasasayahin, na kasabay mo ring luluha at tatawa.

O kay sarap magmahal, lalo na't mahal niyo ang isa't isa.
Nag kukulitan at nag tatawanan , parehong nakararamdam ng saya.
Di maiwasan , pag aaway at pagtatampo.
Humingi ng tawad wag lang lumala inyong pagtatalo.

Kapag iyong pinairal, pagiging maka sarili at pagmamataas.
Walang kahahantungan , pagtatalo'y di matatapos.
Sakripisyo'y gagawin,wag lang pinakamamahal mo ang saktan.
Mas maigi na iwan siya, kaysa mawala pa ng tuluyan.

Sa pag- ibig pagsubok siguradong kasama.
Ito'y malalampasan kung matatag inyong pagsasama.
Hindi lahat ng relasyon ay may magandang pagtatapos.
Ngunit mga ala-ala'y mananatili kahit relasyon niyo'y matapos.
-aikaterine

(an/: ginamit ko rin tong sinulat kong tula sa "campus prince or campus nerd?" paki basa nalang po if ayos lang hehe. Loveyou all.)

Mga Tula Tungkol sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon