Kay tagal na kitang hinihintay.
Ngunit parang ito'y walang say-say.
Ako ay umaasang ,ika'y muling bumalik.
Sapagkat di malimot,iyong yakap at halik.Hindi parin maintindihan.
Kung ano ang dahilan.
Tayo'y nag hiwalay.
Sa maliit lang na bagay.Ikaw ba ay di para sakin?
O ito'y pagsubok lang sa'tin.
Walang kasiguraduhan.
Na ikaw din ay lalaban.Pagkat ika'y malayo sa aking tabi.
Sa bawat pag hikbi,
Ikaw ang sanhi.
Ika'y pinalaya, sa huli nag sisi.Sana ay maulit muli,
Dati na puno ng ngiti.
Ngunit ito'y di na mangyayari.
Sapagkat ika'y wala na sa'king tabi.
-aikaterine(AN/: dahil bored ako nung wednesday ginawa ko ito at natapos ko kahapon. Para sa mga taong umaasang babalik pa kanilang pinakamamahal at sa mga taong nag sisisi. )
BINABASA MO ANG
Mga Tula Tungkol sa Pag-ibig
ŞiirGagawin ko ang lahat para ako'y maka gawa ng magandang tula. Sana'y inyong suportahan aking isusulat. Salamat sa inyo aking mambabasa. Ako'y lubos na natutuwa ,sainyong suporta. Wag mahiya, kayo'y mag-kumento. Sa mga tulang aking maiimbento. Ako'y...