Pag-subok sa Isang Relasyong

8.6K 5 1
                                    

Sa dalawang taong nagmamahalan.
Ay may mga pag-subok na pagdaraanan.
Mga pag-subok, na kahit ang relasyon ay susubukan.
Na kung hanggang saan sila magkasamang lalaban.

Hindi kailangan ang mangako.
Na walang bibitaw at susuko.
Gawin mo at iparamdam mo, na siyo'y mahalaga siya.
At dapat ay kilalang-kilala mo rin siya.

Sa tuwing mainit ang ulo niya ay pagod lang yun, kaya siya'y pagpasensyahan.
Marahil marami rin itong iniisip, kaya siya'y iyong damayan.
Kapag naman hindi mo siya maintindihan.
At sakanya'y naguguluhan.

Siya parin ay iyong unawain.
At problema niyo'y ayusin.
Para ang pag-subok ay inyong malampasan.
At magpatuloy pa ang inyong pagmamahalan.

(Author's Note: Nakagawa ako ng bagong tula, para sa mga taong nagmamahalan. Wag mong hayaan na mawala siya sayo at maghanap siya ng iba. Iparamdam mo na mahalaga siya sayo. Sana ay nagustuhan niyo ito, comment po kung ano masasabi niyo wag mahiya. ^_^)

@aikaterine_GodsAngel

Mga Tula Tungkol sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon