Pag-ibig sa Unang Sulyap

34.6K 47 12
                                    

Simula nang ika'y aking masulyapan.
Hindi ka na mawaglit sa'king isipan.
Akala ko'y wala lang.
Ngunit para na akong timang.

Ako ay ninenerbyos.
Mga ngiti mong, sa puso ko'y tagos.
Sa tuwing ikaw ay dumadaan.
Hindi mapakali kapag ikaw ay tinititigan.

Ako ay naguguluhan.
Ayokong masaktan.
Kaya hanggat maaari, ikaw aking layuan.
Pusong nangangamba, takot paglaruan.

Ayokong matulad sakanila.
Umibig, sumaya at nag tiwala.
Ngunit umasa lang sa wala.
Ngayon sakit at pagkabigo, ramdam na nila.

Ikaw ba ay magnanakaw?
Puso ko'y iyong inagaw.
Kahit anong pigil ko.
Sayo ay umibig parin ako.

Pag-ibig nga naman.
Hindi mapigilan.
Kapag tadhana pinag lapit na kayo.
Si kupido ay handa ng pumana sainyo.

(Author's Note: naisipan kong gumawa ng tula ngayon, sana ay magustuhan niyo. Para sa mga taong umibiibig .)

@aikaterine_GodsAngel

Mga Tula Tungkol sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon