Karamihan sa mga kababaihan, madaling mag tiwala.
Kapag niligawan, di makapaniwala.
Dagdagan pa ng matatamis niyang salita, pisngi mo'y pulang-pula.
Kapag tuluyang nahulog, ika'y wala ng kawala.Mahal kita, madalas niyang bukambibig.
Ikaw naman ay kinikilig.
Hindi kita iiwan, pangako.
Mga katagang madalas mapako.Madaling umibing at siya'y pangakuan.
Ngunit mahirap panindigan.
Maliit lang na bagay ang pag talunan.
Hiwalayan agad ang kahahantungan.Ikaw ay nag padalos-dalos .
Kaya't relasyon niyo, agad din nag tapos.
At ngayon, puso'y puno ng paghihinagpis.
Siya pala ay manloloko, kaya't wala ka ng nagawa kun'di ang tumangis.(Author's Note/: Wag po tayo mag padala sa ating damdamin ,kilalanin muna ng mabuti bago ibigay ang matamis nating oo. ^_^ sana magustuhan niyo po. Ngayon lang ako nakaisip ng title kaya ngayon lang naupdate ito.)
@aikaterine_GodsAngel
BINABASA MO ANG
Mga Tula Tungkol sa Pag-ibig
PoezjaGagawin ko ang lahat para ako'y maka gawa ng magandang tula. Sana'y inyong suportahan aking isusulat. Salamat sa inyo aking mambabasa. Ako'y lubos na natutuwa ,sainyong suporta. Wag mahiya, kayo'y mag-kumento. Sa mga tulang aking maiimbento. Ako'y...