Kabanata 9

32 9 2
                                    

Pinatay niya ang connection ng tawag nila ni Harvey, matapos makita si Javier. Humarap siya rito at pilit na nginitian ang binata pero sa aso parin siya nakatingin. 

"A-ahm, eto ba yung alaga na sinasabi mo?" Nahihiyang tanong niya kay Javier na matamis ang ngiti sakaniya. 

Nakita niyang tinignan muna nito ang aso habang nakangiti at hinaplos-haplos pagkatapos ay sakaniya na itinuon ang pansin. "Yes. Matagal na sa'kin 'tong bulldog na 'to." Tumawa ito ng mahinhin kaya napangiti na din si Florella. Tila nahawa sa tawang pinakawalan ni Javier. Nako ka florella. 

Napatango-tango si Florella para mawala ang mumunting boses sakaniyang isipan at tumikhim. "Saka nga pala, why are you here? May kailangan ka ba?"

"Ah eh," Napakamot si Florella sakaniyang batok. "Hinahanap ko kasi yung kusina mo." Nahihiyang sagot niya sa tanong nito.

Inosenteng tumango tango si Javier at ginaya siya sa mismong kusina. Pagkapunta ay inalok nito si Florella na umupo sa Counter. Umupo naman si Florella.

"Nagugutom ka na ba? Pasensiya wala pang luto." Sabi kaagad ni Javier pagka upo sa harap nito.

Umiling kaagad si Florella. "H-hindi. Gusto lang kitang tulungan baka kasi nagluluto ka na." Shit. Bakit ka ba palaging nauutal pagdating sakaniya, florella?

Dahil sa narinig ni Javier, ngumiti siya ng malapad at nilapag nalang sa counter ang mga pinamili nilang pang handa. Normal ba sa lalaki ang kiligin? Kasi right now kinikilig si Javier. Nakakatawa.

Tumingin sakaniya si Javier at nagsalita na ikinamula ng pisngi niya. "Sige ba. Basta ikaw." Sambit nito saba'y kindat.

Napasinghap si Florella at umiba nalang ng tingin.

Humagikgik si Javier dahil sa nakikita niyang pagpula ng pisngi ni Florella dahil sa kindat niya.

Aaminin niya, parang mas lalong maganda pala si Florella kapag nag blush.

Dahil doon kinilig siya at nagsimula ulit ayusin ang mga lulutuin.

Napakaswerte niya talaga ngayong araw. Siguro nga swerte ang kaarawan ngayon ng kaniyang asong bulldog.

Hindi muna tinignan ni Florella si Javier na ngiting ngiti sa hindi niya malamang dahilan.

How can he wink at her? Is he flirting with---Shocks. Sige assume pa Florella.

Hindi nalang niya pinansin ang mumunting boses sa utak niya at tinulungan nalang si Javier sa ginagawa.
Pero habang tumutulong ay hindi niya maiwasang tignan na naman ang asong alaga ni Javier na nasa Counter at tila natutulog habang kagat kagat ang isang bulaklak.

Mahilig rin ba sa Dandelion Flower si Javier? Tanong niya sa isip.

Hindi niya mapigilang malungkot dahil naalala niya ang nawawala niyang bulaklak. Naniwala na siya sa sinabi ng kaniyang kaibigan na si Harvey na kung sana ay dalawa o higit pa doon ang dinala niya ay may reserba pa kapag nawala ang isa mang bulaklak.

Pero hindi eh. Isa lang dinala niya at ang masaklap nga nawawala ito. Wala siyang ideya kung nasaan na ito ngayon. How idiot is she right?

"Javier," Tawag ni Florella kay javier na ngayon ay nagsisimula ng maghiwa.

Tumigil si javier sa kaniyang ginagawa at bumaling kay Florella na nakatingin pari sa aso niya.

"Why?" Ngiti na niyang tanong.

Tumikhim si Florella at sakaniya na tumingin. "M-mahilig ka sa bulaklak? Saan galing iyang kagat kagat ng aso mo?"

Ngumiti na naman si Javier bago sumagot kaya nagtaka ulit si Florella. Ngiti pa javier, hindi mo ba alam na nakakahawa ang ngiti mo?!

She shook her head. At pinakinggan nalang ang sasabihin ni Javier.

"Napulot ko lang 'yan. Pakiramdam ko kasi kailangan kong alagaan 'yan ng makita ko 'yan sa kalsada. Nakakatawa nga eh. Napulot ko 'yan ng papauwi na ako galing Sta. Ines. Nakapunta ka na ba ng Sta. Ines? Grabe ang gan---"

"Napulot mo sa Sta. Ines?!"

Hindi naituloy ni Javier ang sasabihin ng biglang sumigaw si Florella. Nagulat siya ng todo.

Tila ba nayanig ang mundo ni Florella sa mga narinig kay Javier.

Dahil sa narinig kay javier, isa lang ang tanging nilalaman ngayon ng isip ni Florella.

Ang bulaklak na kagat kagat ng aso niya ay ang nawawala niyang bulaklak! Argh!

Paano nangyari yun?!  

------ 

AN: 

WAAAA! ANG IGSI LANG. BUSY PO KASI AKO EH. SANA MAY MAGPARAMDAM DIYAN NA NAGBABASA NETO. T^T MAHABA PO ANG SUNOD NA KABANATA. 

COMMENT AND PLS VOTE PO. 

Xoxo. 






Flower TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon