Kabanata 11

5 0 0
                                    

Namayani ang nakakabinging  katahimikan sa pagitan nilang tatlo habang kumakain.

Si Florella ay itinuon na lang ang pansin sa pagkain, tapos si Javier naman ay nakakunot ang noo habang papalit-palit ang tingin kay Florella at kay Harvey. Ganun din naman si Harvey.

Habang namamayani ang katahimikan ay ang daming mga salitang nagrarambulan sakani-kanilang isip. May nagtataka, may naguguluhan, at lalong may nagulat.

Tanging ang pagtunog lang ng pagtama ng mga kutsara't tinidor, mga upuang inuusog at mga taong nagsasalita ang naririnig ng tatlo. Pero dahil nga nasa sulok sila ay mumunti lang ang mga naririnig nilang ingay.

Mga limang minuto pa ang tinagal bago binasag ng isa sakanila ang nakakabinging katahimikan.

"Sabihin niyo nga, magkakilala ba kayo?" And well, ineexpect na ni Florella na titingin sakaniya si Javier na tahimik lang at naguguluhan sa sitwasyon nila ngayon.

Tumigil siya sa pagkain at natutulala nalang. Unti-unting ng nag sisink in ang lahat sakaniya. Matapos dumaan ang mga araw na nalaman niya na magkaibigan pala si Feliana at Javier, maging ang bulaklak na si Javier din ang nakapulot, naguguluhan parin siya. 

Na hanggang ngayon ay may malalaman na naman siya. 

"Florella, he's my friend. I met him in Australia. Siya yung sinasabi ko sayo." Seryosong pagsasalita ni Harvey. 

Pinilig ko ang ulo ko at huminga ng malalim. "Hindi ko ineexpect 'to. Hindi ko alam na kaibigan mo pala s-si Javier, harvey."

Nakita kong kumamot ng ulo si Javier. Pero nagtaka ako nung tumawa si Harvey. Wait, let me rephrase it--kami pala ni Javier ang nagtaka sa pagtawa niya.

"Natatandaan mo pa ba nung nakaraan, florella? Sinabi mong may bagong transferee sainyo tapos tinanong pa kita kung sino 'yon! So nung sinabi mo yung pangalan ni Javier, tinawagan ko na agad siya. At tama nga ako dahil siya-ang kaibigan ko- ay kaklase mo na pala!--Aray!"

"Bwiset ka talaga Harvey! Sana sinabi mo na sakin noon pa! May pakilala-pakilala ka pang nalalaman diyaan!"

Sinimangutan ko siya pagkatapos ko siyang batukan. Iba talaga pag baliw ang kaibigan mo noh? How lucky i am..Note the sarcasm.

Sumulyap ako kay Javier pero binawi din agad ng makitang nakatingin din siya sakin.

"I still didn't get it, tho." He murmured.

Tumikhim ako at masamang tinignan si Harvey na humahagikgik.

"Stop it! Nakakahiya kay Javier." Uminit ang pisngi ko.
"'Bro! Alam ko naintindihan mo na! Siya si Florella. At magkaklase kayo," Yumuko ako dahil sa inis. Naku! Ang sarap sungalngalin ng tissue itong si Harvey! Kung 'di lang talaga. "Anyways, nababahala talaga ako sa text mo nakaraan. Sino iyong babae?"

Nailapag ko bigla ang kubyertos ko at napatingin sakanilang dalawa. They got my attention, now. Anong babae?

Nakita kong sumulyap ang dalawa sakin kaya pinilit ko na lang kainin ang nasa pinggan ko sa harap. Hindi ko intensyong makinig sa bro talk nila pero gusto kong makinig kahit kumakain ako. Nababahala ako sa babae na 'yon. They have all my ears.

Kahit naiinis ako kay Harvey, na curious ako sa sinabi niya. At nagtataka ako kung bakit ako nacucurious. Dapat ay nagiisip na ako ngayon kung paano isasalvage itong kaibigan ko. Kung sasaksakin ko muna bago itapon sa ilog o kung pagbabaliin ko ang mga buto niya--

"Iyong babae na sinasabi ko?"

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Flower TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon