Panimula

126 19 5
                                    

"Bulaklak!"

Abala si Florella sa pagpipirma ng mga papeles sa kaniyang opisina ng all of a sudden ay may isang malakas na sigaw ang nagpaangat ng tingin niya. Nalaglag ang panga niya ng malaman kung sino iyong tumawag sakaniya. Kasabay ng paglaki ng mga mata niya. Tanong niya sa isip, bakit ngayon lang ulit nagpakita ang kaibigan niya--Si Harvey. Ang dami ng dumaang taon, at sa nagdaang taon na 'yun ay marami ng nagbago. Mga pagbabago na hindi niya mawari kung papaano totoong nangyari.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at sinugod ng yakap ang matagal niya ng hinihintay na kaibigan. Binalik din ng kaibigan nito ang isang mainit na akap. Hindi alam ni Harvey kung ano ang masasabi niya sa kaibigan, o kung ano ang gagawin niyang unang hakbang. Dahil alam niya sa loob-loob niya, may munti 'rin galit na namuo sa dibdib nito laban sakaniya. Kaya nga galit na galit rin siya sa sarili niya kung bakit umalis siya sa tabi nito nung mga panahong wasak na wasak si Florella, kung nung panahong malungkot siya ay palagi siyang nasa tabi nito. Pero hindi niya rin naman dapat sisihin ang sarili dahil alam niyang tama rin naman ang ginawa niyang desisyon noon.

Ngayon, sa punto ni harvey. Ineexpect niya ng sigaw-sigawan siya nito at sampalin noong papunta palang siya sa opisina ng kaibigan. Pero kabaligtaran lahat ng iniisip niya kanina dahil ngayon magkayakapan sila. Hindi sa ayaw niya, kundi gustong-gusto niya. Laking tuwa niya nga kahit papaano ay alam niyang kaibigan parin ang tingin nito sakaniya.

"Harvey.." Rinig nitong tawag sakaniya. Humiwalay siya ng kaunti. Tinignan niya ito ng punong-puno ng awa.

"Patawarin mo ako bulaklak..patawarin mo ako.."

At alam ni Florella ng oras na iyon, maiiyak na naman siya dahil sa pagbabalik tanaw sa nakaraan. Sa nakaraan na hindi na pwedeng baguhin.

And this is FlowerTears...

PLAGIARISM IS A CRIME.

An: All Chapters are Third Person's POV.

Flower TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon