Kabanata 5

48 11 3
                                    

Kinabukasan, habang naglalakad sa hallway sina Florella at Harvey sa skwelahan ay napagpasyahan ni Florella na ikwento kay Harvey ang nangyari kagabi.

"Harvey, kahapon tumawag si papa." Sambit ni Florella habang nakatingin ng diretso sa dinaraanan niya.

Today, maaga ng pumasok si Harvey at Florella. Kanina ay habang nagpapark ng sariling kotse si Harvey, nakita niya ng bumaba sa sasakyan nila si Florella. Sinamahan niya na ito pagkababa.

Napatingin si Harvey kay Florella habang nakapasok ang parehong kamay sa bulsa. "Anong sabi?"

Malungkot na tumingin si Florella sa kaibigan kasaba'y ng pagbuntong hininga nito. "Kinamusta niya ako. Alam mo harvey, ang saya saya ko kapag naririnig ko ang boses ni papa."

Nagtaka si Harvey sa sinabi nito. "Oh? Bakit parang malungkot ka? Tinawagan ka diba? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa oh!" Hinawakan ni Harvey ang baba ni Florella at ginalaw-galaw.

Inis na tinanggal ni Florella ang kamay ng kaibigan sa baba niya. Binalingan niya ito saglit ng masamang tingin dahil tumawa pa ito. "Siyempre naaalala ko yung pangako niya sakin! Nakokonsensiya ako dahil kaunti nalang hindi na ako papayag sa gusto niya. Mahal ko si papa, harvey. Pero mahal ko din ang mga halamanan ko sa Sta. Ines."

This time, sumeryoso na si Harvey. Huminto siya sa paglalakad ng matanaw niya na ang pintuan sa First classroom ni Florella. Hinatid niya lang kasi si Florella. Hinawakan ni Harvey ang braso ng kaibigan paharap.

"Isipin mo muna 'to, bulaklak. Masayang masaya ka ba kapag inaalagaan mo yung mga pananim mo sa Sta. Ines?" Tumango si Florella. "Eh kapag nakagraduate ka na at naging CEO ka na ng Company ninyo? Naisip mo ba na mas malaki ang chance na mas maging masaya ka pa doon kaysa sa sayang nararamdaman mo sa pagaalaga ng pananim mo Florella?"

Hindi nakapagsalita si Florella sa sinabi ng kaibigan. 'Tila ba hindi kaagad nag sink sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Harvey. Kahit kailan hindi niya naisip na baka mas maging masaya siya kapag dinesisyon niyang mag aral nalang ng college sa Australia at maging CEO. Basta para sa kaniya maraming dumaang taon, ang pamilya at pananim niya lang ang nakapagbibigay ng saya sakaniya.

"I'm not saying na piliin mo nalang ang gustong mangyari sayo ng papa mo. Nililinaw ko lang ang lahat sayo, florella. Dahil bilang kaibigan, syempre kailangan rin magbigay ng payo." Ngumiti si Harvey at tinap ang ulo ng kaibigan.

Lumayo siya kay Florella at aakmang aalis na ng biglang magsalita si Florella ng wala sa sarili. "Paano kung mali pala ako, harvey? Paano kung one of this days, magbago ang isip ko? Paano kung tama ka?"

Lumingon si Harvey kay Florella at ngumiti ng tipid. "Nasasayo na kung yun ang pipiliin mong desisyon kung sakaling ganun nga ang mangyari. Malay mo rin kasi baka yung gusto ng papa mo para sayo, yun na pala ang pinakamagandang mangyayari sa buhay mo... Pero lagi mong tatandaan na ang buhay may mga pagsubok."

Iyon ang huling sinabi ni Harvey bago tuluyang umalis. Naiwan si Florella na malalim ang iniisip.

NANG, makapasok sa First Subject si Florella, napansin niyang parang aligaga ang mga kaklase niya. Na parang may paparating na dapat talagang paghandaan ng classroom.

Halos lahat ng babae ay panay lagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha kaya napapangiwi nalang si Florella kapag daraanan ang mga ito. Ang mga lalaki naman ay pa-chill chill lang sa kani-kanilang upuan, at ang iba ay nakayuko.

Dumiretso siya sa sariling upuan habang palinga-linga. Wala paring kaalam-alam kung ano ba nangyayari sa classroom.

Maya-maya ay naalala niya ang taong nasa isip niya bago siya nakatulog kagabi. Si Javier Del Castro. Tanong niya sa isip, di kaya'y siya ang pinaghahandaan ng mga kaklase niya?

Napairap siya sa kawalan ng unti-unti ng nag sink in sakaniya na Heartthrob nga pala si Javier Del Castro. Umiling-iling siya at nilabas nalang ang sariling cellphone sa bulsa. At nagkunwaring walang naririnig na mga babaeng ang lalandi magsalita tungkol kay Javier Del Castro.
Habang naglalaro sa Cellphone, naisipang mag text ni Florella sakaniyang Lola Melding. Naisip na naman niya kasi ang mga pinagsasasabi ni Harvey kanina. Aba, dapat siyang matuwa dahil kahit na since elementary niya pa bestfriend si Harvey at halos lahat ng tungkol sa isa't isa ay alam ay minsan lang ito mag payo sakaniya na talagang seryoso.

Pati naman siya kasi, madalas mag payo pero may maisisingit paring biro.

To: Lola Melding

Musta na ho? Namiss ko kaagad kayo. Ingat ho kayo diyan palagi. Pakisabi na din ho sa mga pananim ko, stay put lang.

Sent-- Message Sent!

Natawa si Florella sa huling text niya. Pagkatapos noon ay binaba niya na ang cellphone at itinago dahil nakita niyang pumasok na pala ang professor nila sa Science. First Subject nila.

"Good Morning, Class! Your new classmate is here. Alam ko namang kilala niyo na siya right? Please be nice to him."

Nakita ni Florella na nangingisay na sa kilig ang mga babaeng kaklase niya pero hindi niya na lang pinansin. Tahimik lang siyang nagmamasid sa pintuan at hinihintay ang pagpasok ni Javier Del Castro.

Maya-maya ay nakita niyang pumasok ang isang lalaking may ka-height ni Harvey, may mapupulang labi at pisnge, matangos na ilong, kayumangging balat, may katamtamang muscles, short brown hair, brown eyes, at perfect set of teeth.

Nagulat si Florella dahil kaagad na nagtagpo ang mata nila sa isa't isa. Nagtaka siya kung bakit ganun na lang ang naramdaman niya ng magtagpo ang mga mata nila.

Parang bumibilis ang tibok ng puso niya. Unti-unti, napahawak si Florella sakaniyang dibdib.

And that's it. Saglit lang siyang tinignan nito at naglakbay na ang mga mata sa buong klase na halos ng lahat ng mga babae ay nagtititili.

Aaminin niya, gwapo nga talaga si Javier Del Castro. Pero bakit bumilis bigla tibok ng puso niya?

Kinalma niya ang sarili at kinausap ang sarili.

"Anong nangyari sayo Florella?" Kasaba'y ng pagtampal niya sa sariling noo.

Flower TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon