Nagising ka sa ingay na nagmumula sa iyong phone. Hindi mo balak sagutin ito pero ring ito nang ring. Kinuha mo ang phone mo at sinagot ang tawag kasi baka urgent. Hindi mo man lang tiningnan ang caller's ID.
"Hmm?" bungad mo
"Oh sorry Y/N. Nagising ba kita?" sabi ng nasa kabilang linya
"Tingin mo?" pagtataray mo
"Sorry. Gusto ko kasi ako unang mag-gigreet ng good morning sayo eh."
"Teka sino ka ba?" tanong mo na hindi pa rin ibinubuka ang mga mata
"Huh?" takang tanong ng nasa kabilang linya
"Sino ka?"
"Ahh si Jeonghan to."
Napamulat at napabangon ka bigla. Para kang binuhusan ng mainit na tubig. Gaga ka talaga hindi mo kasi tiningnan ang caller's ID.
"Ahehe... Ano... Sorry medyo inaantok pa kasi ako kaya--"
"It's okay. Wash up na and eat your breakfast, alright? I love you."
Mayaman, nakakabighani, mapagmahal. Iyon ang mga salitang inilalarawan ng karamihan sa boyfriend mong si Jeonghan. Kaya nga thankful ka at nahulog ang loob niya sayo. Wala ka ng hahanapin pa sa isang lalaki, nasa kanya na ang lahat pati ang puso mo. Oh oh ohwoooh nasa kanya na ang lahat~
Habang kumakain ka ng hotdog at itlog, hindi mo maiwasang mapaisip. Matagal na kayong mag-on ni Jeonghan pero hindi niyo pa rin iyon nagagawa. Ang alin? Yung ano...
Magkikita pala kayo ni Jeonghan ngayon kaya dali-dali kang naligo at nagbihis ng maganda. Saktong paglabas mo ng bahay, nandoon na pala siya at nakasandal sa car niya. Siya na ata ang pinakamagandang nilalang ever na nakita mo and with a car pa.
Pinasakay ka niya sa kotse (gentleman). Bago pa man niya paandarin ang car niya ay naalala mo iyong bagay na bumabagabag sa iyo.
"Ano... Jeonghan..." panimula mo
"Yes Y/N?" nilingon ka niya
"Kasi ano... 2 years na tayo pero hindi pa rin natin nagagawa yung..."
"Yung ano?"
"Yung ANO."
"Anong ano?" naguguluhang tanong niya
"Yung ano nga." napanguso ka nalang dahil ang tagal niyang ma-gets ang ibig mong sabihin
"Ah! Oo nga no. Tara scrabble tayo."
Nagdrive na siya pa-hotel (naks scrabble sa hotel eh) habang ikaw kinakabahan sa maaaring mangyari. Paano pag di niya nagustuhan? Urgh nakakastress pala mag-isip ng para sa ano.
Pagkapasok niyo sa hotel room niyo ay agad kang humiga sa kama. Lumapit si Jeonghan sayo. Pinalapit mo pa siya ng kaunti kasi medyo malayo siya. Lumapit naman siya. Nang malapit na kayo sa isa't isa ay itinaas niya ang kanang kamay niya. Itinaas mo rin ang iyo. Kinaway-kaway niyo ito at...
"Paper!"
"Scissors!"
"Yes!"
Panalo si Jeonghan. Siya ang unang titira.
"Love"
"Honey"
"Ugh" napahawak ka nalang sa buhok ni Jeonghan. Buti mahaba kaya malakas ang kapit mo.
"ALAM KO NA!" nagulat ka kasi sumigaw si Jeonghan. Hindi mo pa naman alam kung soundproof ba ang room na to. Kung hindi naku nakakahiya.
"Who's baby are you?"
"Huh?" takang tanong mo
"Simula ngayon baby kita, okay? So if I'll ask who's baby are you you'll answer--"
"Jeonghan's baby." tuloy mo
Napangiti ka nalang. Salamat at natapos rin. Sa wakas at nagawa niyo na rin ang bagay na dapat niyo ng ginawa 2 yrs ago. Naka-isip na rin kayo ng endearment.
BINABASA MO ANG
filipino kpop imagines
FanfictionNoong unang panahon, may isang binibini na nabaliw at nagpasiyang gumawa ng 'librong pang-imahinasyon' o imagines book na isusulat sa wikang Filipino (para maiba puro kayo Englis eh). Humanda at mahalina sa mundo ng kabaliwan. Gora basa mga pashnea!