Ilang linggo na kayong hindi nagpapansinan ni Chan. Last week pa since noong away niyo at nagawa niyo ngang tiisin ang isa't isa ng ganoon katagal. Mapride kang tao kaya you planned to not talk to him or magparamdam man lang sa kaniya. At ganoon rin si Chan.
Sa loob ng ilang araw na iyon, naghihintayan lang kayo kung sino ang unang susuko sa battle of prides niyo. No one would even dare text or call the other. Pero since nakaramdam si Chan ng sense of responsibility, inako na niya ang kasalanan. Naisipan na niyang ibaba ang pride niya.
Kahit na bata pa si Chan, may mga pagkakataong nagiging matured naman siya. Kaya instead na hindi kayo magpansinan forever, lulunukin niya nalang ang pride niya. Mahal na mahal ka ni Chan at niya kayang you're being stiff to him. Narealize niya ito noong hindi kayo nagkausap for a week.
Habang naglilinis ka ng kwarto mong parang pigsty, Chan texted you.
"Let's talk."
"Psh. Wow most frightening two-word combo. Grr okay talk? Let's talk! Akala mo ha." naligo ka agad at nagbihis ng black dress. Malay mo magbbreak na pala ngayon dapat prepared ang outfit mo kung sakali.
Pinapunta ka niya sa isang restaurant. The same restaurant where you held your first date. Bago ka makapasok may staff na nagbigay sayo ng bouquet of roses. Wow, pa-impress eh. The staff guided you to a table. Pinaupo ka at umupo ka naman. After ilang segundo, bigla na lang lumitaw (lol) si Chan holding a piece of cardboard na may nakasulat na "I'm Sorry"
Gusto mo nang ngumiti kasi nakakatouch talaga and ang cute niya tignan with his pout pero you gotta keep your poker face. Nagpromise ka sa sarili mo na hindi mo siya kakausapin ngayon. At muntik mo ng ma-break ang promise na to.
Dumating naman ang foods. Isa-isang inilatag ito ng waiter and as you look at them all those were your fave. Si Chan naman ay hindi alam ang gagawin kasi mukhang failed ang plano niya. Pinagpapawisan siya and his hands were trembling.
"Let's eat." sabi ni Chan
Hindi ka umimik. Hindi ka gumalaw. Nanatili kang nakatingin sa food then to Chan. Ugh bahala na.
"Chan..."
"Hmm?" napangiti naman si Chan kasi sa wakas kinausap mo na rin siya
"Pakiabot ng kanin."
Napatawa na nga si Chan. Inabot niya yung kanin. Wala ka namang nagawa kundi makitawa sa kanya kasi nakakahiya talaga yung sinabi mo. Yung promise mo na hindi siya kausapin got broken pero naging okay naman kayo ni Chan. Your mini fight got resolved.
BINABASA MO ANG
filipino kpop imagines
FanfictionNoong unang panahon, may isang binibini na nabaliw at nagpasiyang gumawa ng 'librong pang-imahinasyon' o imagines book na isusulat sa wikang Filipino (para maiba puro kayo Englis eh). Humanda at mahalina sa mundo ng kabaliwan. Gora basa mga pashnea!