Seokmin

18 1 0
                                    

Tag-sibol noon...

Charing lang walang spring sa Pilipinas. Joke meron pala Nature's Spring.

Naisipan mong maglibot sa parke suot ang iyong floral dress na usong-uso tuwing spring. Feel na feel mo pa ang hangin na tila ba ikaw ay nasa shooting ng PHCare. May palipad lipad pa ang iyong palda. Whoops nakapanty ka naman kaya okay lang. *Floral din ang panty mo ;)

Dahil maagang namulat sa karangyaan, dala mo ang iyong iPhone na may tv. Busy ka sa pag picture ng scenery at landscapes, pati na rin ng mga couple na busy makipaglandian.

Nakaramdam ka ng pagod kaya naisipan mong maupo sa silya (alangan sa mesa?). Masyadong nakaka emo kasi ang maglakad mag-isa. Para di awkward, ni-browse mo ang iyong phone gallery at pinagmasdan ang mga kuha mong mga litratong may 'photo exhibit' quality.

Napahinto ka nang may makita kang picture ng isang nilalang na hindi mo mawari kung ano. Tao ba to? Hayop? Lugar? Oo? Hindi? Uhmm pagkain? Hindi? Tao? Tao? Bagay? Kabayo!

Pinagmasdan mo itong mabuti. Hmm. May kamukha siya... Nakita mo na ata sya sa tv... Mukhang artista beh.

Uy di si Vice Ganda ah! Grabe beh

Naligaw ka sa iyong agam-agam nang may narinig kang nagsalita.

"Uy gwapo!"

Nilingon mo ito at nakita ang lalaki sa litrato.

P.s naka pogi pose sya

Napatili ka naman ng very very slight like "aaaaAhHHHHHHH!!!!!" Nagulat ang lalaki at napa "aaaaAhHHHHHHH!!!!!" din sya. Nagtilian lang kayong dalawa.

Nang mahimasmasan ka nagawa mo ring itanong sa lalaki ang, "owemji kuya is dis u?"

"Yas gurl dats me." Sagot ni kuya sabay kaway ng index finger

"Bakit ka may picture ko? Stalker!" Irap ni kuya

"Uy di ah! Idek na may picture ka sa phone ko. Feeler!" Depensa mo sa sarili

Napagod ata sa kakatayo ang lalaki sa litrato kaya naupo sya sa tabi mo. Hindi mo alam na ang pag-upo niya palang yun ay hudyat ng namumuong muta (jk) relasyon beh relasyon. Napaatras ka ng kaunti dahil napansin mong ang lapit ng distansya nyo sa isa't isa. Nagsimulang mamula ang iyong pimple. Kakaiba kasi mukha mo pag kinikilig. Pimple ang namumula.

"Keye enebe em net ready." Sabi mo with pabebe wave

May inilabas ang lalaki galing sa kanyang bag. Isang maliit na box. Napa-gasp ka naman kasi feel mo magppropose na talaga sya sayo. Binuksan nya ang kahon at nakita mo ang isang kumikintab na bagay. BEH SINGSING BEH!!!

Tinitigan ka nya sa iyong mga mata. Nagtitigan kayo habang isinusuot niya ang singsing sa kamay mo. Hindi naman mapakali ang iyong kaluluwa sa sobrang tuwa na nadarama. Nagtatatalon ang iyong puso at nagtatumbling sabay split ang iyong obaryo.

Di mo na sya pinatapos sa kanyang sasabihin at sinagot sya ng pinakamatamis mong "yes!"

"Talaga?" Bakas sa mukha ng lalaki ang tuwa

Ngumiti ka at kinumpirma ulit ang salitang pinakahihintay niya, "Oo."

"Orayt! So 3.5k pala yung singsing plus yung box pa 5k yun. 13k lahat ng babayaran mo."

Naibuga mo agad-agad ang laway mong panis. Dealer pala ng alahas yung lalaki. Di ka mahal beh. Yung singsing ang mahal!

Tinanggal mo ang singsing at ibinalik sa kanya. Lumuluha kang tumakbo paalis ng parke. Na-scam ka. Yung puso mo pinaasa.

At dahil maaga kang umalis ng parke, hindi mo naabutan ang iyong soulmate. Tight schedule nya bes kaya ikaw mag-adjust. Sabi ng destiny, kapag nagkita kayo ngayon kayo na forever. Pero di kayo nag-meet kaya wala talagang forever. Wala kayong forever ni Seokmin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

filipino kpop imaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon