"Mingyu! Linisin mo nga itong kusina! Magsaing ka na rin. Yung labahan tapos na ba? Eh yung bakuran, nalinis mo na ba? Naku! Bilisan mo diyan! Na-iistress ang buhok ko sayo." everyday every night nalang ang utos ni Mother Jeonghan kay Mingyu.
Noong namatay ang ina ni Mingyu, nag-asawang muli ang kaniyang ama. Pinakasalan niya si Mother Jeonghan. Mabait ito, maalaga. Subalit noong namatay ang kaniyang ama ay sumama ang ugali nito. Palagi nalang siyang inuutusan na para bang siyang isang alipin. Fan kasi ng Cinderella si Mother Jeonghan kaya gusto niyang i-apply ang fairy tale na ito sa real life.
"Mingyu! Bumili ka ng cabbage at chili paste/powder sa bayan. Gagawa ako ng kimchi." sigaw ni Seungkwan, isa sa mga step-sisters niya
"Shut up Seungkwan kundi titirisin ko iyang mga pimples mo! Unahin mo yung bato ko Mingyu, pakiliguan nga." utos naman ni Seokmin, step-sister niya rin
"Aba! Ako mas matanda sa inyo kaya ako ang masusunod! Unahin mong linisin iyong gitara ni Jisoo. Ipanghahampas pa iyon ni Senpai Woozi." sabi ng eldest step-sister niya, si Soonyoung
Walang ibang nagawa si Mingyu kundi ang sundin ang utos ng mga kapatid. Pwede naman talagang hindi ito sumunod at lumayas nalang dahil mayaman naman siya pero nasa kay Mother Jeonghan pala ang credit card niya.
Nakita mo si Mingyu na nahihirapan sa paglilinis ng gitara ni Jisoo. Medyo maluhaluha pa nga siya eh. Naaalala niya kasi ang isang masamang pangyayari kasama ang gitarang ito. Muntik ng siyang mahampas ni Evil Woozi ng gitarang ito.
Nag-offer ka ng tulong kay Mingyu pero tinanggihan niya. Sabi niya kaya naman niya. Naupo ka nalang sa isang tabi at pinanunuod ang ginagawa ni Mingyu. Napakamasunurin niya talaga kaya maraming nagkakagusto sa kanya eh. Gusto rin siyang gawing katulong. Pati nga si Senyor Seungcheol gusto siyang ampunin.
Napangiti ka dahil sa kilig. Makita mo lang si Mingyu buo na ang araw mo. Bigla ka nalang nakaramdam ng sakit sa may bandang tagiliran mo. Dugo... Dumudugo ito. Wala ka namang period ngayon pero dinudugo ka. Kinapa mo ito at nakitang nasaksak ka pala. Nakarinig ka ng isang malakas na tawa.
"Mwahaha! Nyahaha! Matagal na kitang nakikitang pinagmamasdan ang aking mahal na si Mingyu, Y/N. Ngayon, pagmamasdan mo na ang kamatayan! Mwahaha! Nyahaha!"
"W-wonwoo. B-bakit..." nahihirapan ka nang huminga ngunit nagawa mo pa ring magtanong
"Sino man ang magiging hadlang sa pag-iibigan namin ni Mingyu ay mamamatay! Alam kong gusto mo siya! Ang magustuhan siya ay isang napakalaking pagkakamali! Nakita mo naman ang ginawa namin noong concert namin hindi ba? Nagkadikit ang aming mga noo kaya akin na siya! Mwahaha!" sagot naman ni Wonwoo sayo
Sumuka ka ng dugo. Alam mong malapit ka ng malagutan ng hininga. Pero may isang bagay na dapat malaman ni Mingyu at Wonwoo. Dapat nila itong malaman...
"M-meanie is real." and those were your last words. Namatay ka na.
Inilibing ka at ang Meanie ay namuhay ng masaya. Tinatanong mo anong nangyari kina Mother Jeonghan at mga step-sisters? Hindi ko alam. Hindi naman tungkol sa kanila ang story na ito. Tungkol ito sa Meanie.
BINABASA MO ANG
filipino kpop imagines
FanfictionNoong unang panahon, may isang binibini na nabaliw at nagpasiyang gumawa ng 'librong pang-imahinasyon' o imagines book na isusulat sa wikang Filipino (para maiba puro kayo Englis eh). Humanda at mahalina sa mundo ng kabaliwan. Gora basa mga pashnea!