"Babe..."
Tawag ng isang tinig.
"Babe..."
Palapit nang palapit.
"Babe..."
"Babe... gising na."
Tumalikod ka sa pinanggalingan ng boses dahil ika'y inaantok pa at nais pang matulog. Nagwalwal ka kasi kagabi ayan tuloy. Pilit mo namang tinatampal ang kamay ng yumuyugyog sayo. Istorbo eh no.
Lumakas nang lumakas ang pagyugyog kaya idinilat mo ang iyong kaliwang mata. Sinubukan mong idilat ang iyong kanang mata ngunit di mo magawa. Pota yung muta mabigat!
Tinanggal mo ang muta gamit ang iyong paa kasi napaka-talented mong nilalang. Natigil naman ang pagyugyog. Ipinikit mo uli ang mata mo at akmang matutulog muli nang maramdaman mo ang malamig na tubig na tumama sa iyong mukha at ngayo'y dumadaloy sa iyong leeg patungo sa buo mong katawan.
"T@&#*^!!!"
Galit na galit kang nagsusumigaw sa kalapastangan. Hinanap mo ang walanghiyang nagsaboy ng tubig sa iyo. Nilibot ng iyong mata ang buong kwarto. Wala roon ang salarin kaya lumabas ka ng kwarto.
Nasindak ka sa iyong nakita. Sa iyong harapan ay nakatayo ang isang nakamamanghang nilalang. Wala itong suot na saplot maliban sa underwear dahil ang programang ito ay rated PG. Patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.
Nakapaskil sa kaniyang mukha ang tusong ngiti na tila ba may binabalak. Dahan dahan itong naglakad papalapit sa iyo. Natakot ka. Nagsimulang tumindig ang iyong mga balahibo.
Sino ba naman ang hindi mahihindik sa taong naka brief lamang at may nakakalokong ngiti na naglalakad patungo sa iyo?
Tumakbo ka papunta ng kusina. Kinuha ang kawali yaong ina-advertise sa O Shopping. Non-stick pan na hindi na kailangang hugasan, punasan mo lang ng tissue ayos na. Medyo ew.
Dinambahan ka ng lalaki. Nanlaban ka. Inihampas mo ang O Shopping non-stick pan at tinamaan ang kaniyang ulo. K.O
May dumating na reinforcements. Pinagbabaril ka ng mga pulis. Nanlaban eh.
Hindi mo alam na yung lalaking mukhang baliw ay pulis pala na nakadisguise as manyak. Oplan tokhang pala ire.
Dahil pinagbabaril ka ng mga pulis, deds ka na. Umagos ang dugo mula sa iyong wala nang buhay na katawan.
Samantala, nagkumpulan sa labas ng iyong bahay ang mga tao. Nakikibalita. Nakikitsismis. Nais malaman ano at paano nangyari ang patayan. At kabilang sa dagat ng mga tao na naroroon ay ang iyong kapitbahay, si Seungcheol.
BINABASA MO ANG
filipino kpop imagines
FanfictionNoong unang panahon, may isang binibini na nabaliw at nagpasiyang gumawa ng 'librong pang-imahinasyon' o imagines book na isusulat sa wikang Filipino (para maiba puro kayo Englis eh). Humanda at mahalina sa mundo ng kabaliwan. Gora basa mga pashnea!