TR 34

104 8 1
                                    

Vladierh's Pov
Hi everyone! Maybe this is my first or second pov in this story. Si author kasi ang damot damot. Vladierh is my name. Ewan ko sa parents ko kung saang lupalop ng mundo nila napulot iyong pangalan ko. Para ngang sa bampira eh kasi di ba Vladimir ang famous name ng isang vampire? Kaloko eh.

I love girls who are weird. Di ako playboy ah! Good boy kaya ako tanong niyo pa kay Blai. Mehehe. Alam niyo bang crush ko yang si Blai? Pero meron na akong mahal. Iba ang definition ng mahal sa crush ha? Ang crush hindi malalim na nararamdaman samantalang kapag mahal mo ang isang tao halos mabaliw kana dahil sa mga problema or lets say pagsubok na dumadating sa relasyon niyo.

Nasan si Blai? Yun ba? Ayun kasama ni Khiel namimili ng souvenirs para daw tuloy tuloy na ang bakasyon namin. Naiinggit na nga ako sa kanila eh kasi naman lagi nalang kasama ni Khiel si Blai. Bihira nalang din namin siyang makausap. Nakakaselos naman toh! Di bale may isa pa naman akong crush. Secret lang muna toh ah? Si Cass ang crush ko! Pero nakakaselos din un kase pansin kong palaging nakabuntot si Ice sa kanya. Hmm. Makahanap na nga lang ng chix dito sa SK. Paniguradong madaming maganda rito!

*pok*

"Aruyy! Shet ka naman Blai ano bang problema mo? Tsaka pano ka nakarating dito? Di ba namimili pa kayo ni Khiel ng souvenirs? Asan pala si Khiel? Himala ah. Bakit di mo kasama?" Sunod sunod kong tanong as in ratatat talaga!

"Ikaw! Alam ko yang nilalaman ng isip mo ha Vladierh! Kung ayaw mong makatikim ng---"

"Ano halik?" Putol ko sa sasabihin niya

Sinapak niya ako ng malakas sa braso kaya naman napaungol ako! Magkakabikil ako nito eh! Readers papayag ba kayo na ginaganito ako ni Blai? Huhu

"Tungunu naman! Saan na ba nakarating yang imahinasyon mo Vladierh? Isa pang kalokohan mo makakatikim ka talaga sakin ng sapak!" Blai

"Eh bakit mo ba kasi ako binatukan?! Di mo manlang ba naisip na tao rin ako at nasasaktan?!" Madrama kong sabi

"What the?! V ikaw pa ba yan?! You're insane! Ipapadala na kita sa rehab center pag uwi natin ng Pilipinas sinasabi ko sayo!" Blai

"Yes ako pa toh! Wag naman sa rehab! Hospital muna okay?" Ako

Napamaang si Blai sa sinabi ko kaya naman sumeryoso na ako. Ayokong marehab noh! Wala naman akong hinithit!

"So bakit mo nga ako binatukan?!" Ako

"Kasi naman halata sa facial expression mo na may gagawin ka na ayaw ko! Aba subukan mo lang mambabae talagang ipapatapon kita sa America!" Blai

"America ba kamo? Aba maganda dun madaming chix!" Nagniningning ang mata ko habang sinasabi ko yun

Sinamaan niya naman ako ng tingin pero binalewala ko na yun dahil may nakita akong di kaaya aya. Makita ko ba naman si isang crush na si cass na may kayakap na lalake?! At hindi lang basta lalake ah?! Kaibigan ko pa! Walang iba kung hindi si Jiro! What the hell?! Alam naman ni Jiro at Zero ang nararamdaman ko kay Cass at Blai eh! Why are they making me jelous?! Aish. I want Blai not in a romantical way. Gusto ko lang siya maging sister kasi wala akong kapatid na babae. Puro lalake eh! Makikilala niyo sila next time! While si Cass naman I like her really!

"Oh Chill ka lang V! Nakakuyom na ang kamao mo eh. Wag kang mag alala kilala ko si Jiro di yan mang aagaw" Sabi sakin ni Blai sabay akbay

Ngayon ko lang napansin na nakakuyom na pala ang kamao ko. Napayuko ako. I can't control my emotions anymore! Di na ako gaya ng dati.

"Do you want me to help you regarding with your feelings for her?" Blai

Wala sa sariling napatango ako. Blai is really a helpful person kahit noon pa man. Kasi nga di ba? She save us three including Jiro and Zero.

The REJECTIONS (EXOYOONG/BTSYOONG FICTION) On - HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon