Hanggang CRUSH nalang KAYA??

335 6 7
                                    

Haaaaaaaaaayy!! Friday nanaman. Intrams na pala namin next week. Ano kayang gagawin ko? Hindi naman kasi ako player. Hindi kasi ako nag try out sa badminton. Yun lang kasi ang sport na magaling ako. (kunwari) Pero since busy sa studies, hindi ko nagawang sumali sa kahit ano mang laro para sa intrams. 

Anong gagawin ko next week?? Si Anne kasali sa table tennis. Si Rose kasali sa basketball. Si Ishy naman officer kaya sila ang bahala sa lahat ng events. Si Vicky naman panigurado mag-aaral lang yun.

So, anong gagawin ko next week? Kanino ako sasama?? Haaaaaaaaaayy nakuuuuuuuu!! Sinong pwedeng kasama next week??

Gaaaaaaaaaawd!! Ang loner ko naman pala next week. TT.TT

Ahh!! Alam ko na magchecheer nalang ako kay Anne. Sa lobby lang naman gaganapin ang play nila eh. Oo tama dun nalang ako. Hindi pa ako maiinitan. Hindi ako iitim. Sayang ang Dove ko kung magbibilad ako sa initan ngayong intrams.

"Classmates wala daw si Sir nagpamedical kaya wala na tayong klase!" Sigaw ng classmate namin na pumunta sa faculty para tanungin kung nasan si Sir.

Yun naman. Uwian na. Ang saya saya.

Lumabas na ako ng room. Hinintay ko nalang sila Anne, Rose, Ishy at Vicky sa labas ng room. Nagreretouch pa kasi. Ako naman hindi na kasi uuwi nalang naman eh. Hehehehe.

Tska wala naman na si Daniel eh. 11am uwian nila eh.

Sino si Daniel? Siya yung crush ko. Hahahaha!! Hindi ko na siya makikita dito sa campus kaya no need to retouch.

At nakauwi na nga kami. Dalawang araw ko nanamang hindi makikita si crush. Maglalaro kaya siya sa intrams? Sana may laro siya para mapanood ko siya. Ano kayang sport niya?? Hmmmmmm. (ang dami kong tanong XDD)

Makapag fb muna nga. 2 friend requests. 5 notifications. 1 message.

Unahin natin yung message.

~Daniel: Hi. Accept mo naman friend request ko.~

O__________________________O Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahh!! Grabe naman tong araw na to,. Hindi ko nga siya nakita sa campus pero inadd niya ako dito sa fb. Waaaaaaaaahh!! Haba na talaga ng hair ko. 

Ako na masaya. Hahahahaha!! Matagal ko na kasing hinahanap yung account niya dito sa fb pero di ko makita. Pero ngayon,.... siya pa ang nag add sakin.

Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahh!! (tiling parang wala nang bukas)

2 friend request. Daniel Approve. Mark?? Sino naman tong Mark na to? Hindi ko to kilala. Not now.

3 notifications. Daniel, Ishy, Vicky, Rose and 45 others liked your cover photo. Anne sent you a request on Candy Crush. Eli posted on Bangtan Boys Philippines.

Haaaaaaaaayy. Gabi na pala. Tama na nga tong kakafb ko. Matutulog na ako.

Saturday

.

.

.

.

.

Sunday

.

.

.

.

.

Monday

Intrams na. Syempre parade muna. Naku ang init init naman,. Teka malayo pa ata ang lalakarin namin. huhuhuhu. TT.TT

Hanggang CRUSH nalang KAYA??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon