CHAPTER 26: THE ACCIDENT
CHASE LUIGI’S POV
Bat ba ang init ng ulo sakin ng babaeng yun? Wala naman akong ginawa sa kanya ah. Tss. Bahala siya. Ayaw niya sakin? Ayaw ko din sa kanya.
“pare pagpasensiyahan mo na si Kien ah? Ganun lang talaga yun. Pero mabait yun.” Paliwanag ng kuya niya.
“okay lang. Wala akong magagawa kung ayaw niya sakin.”
“hanggang ngayon kase di pa siya nakakamove on sa nangyari kaya ganyan padin siya. Pasensiya na ulit.”
Hmmm. Move on? So iniwan siya ng boyfriend niya?
Hah! Di na nakapagtataka. Sa sungit ba naman niya eh iiwan talaga siya.
“bakit ano bang nangyari sa kanya?” tanong ko. Nakakacurious din pala to.
“she still cant get over sa pagkamatay ng first love niya.”
Pagkasabi ni Kier nun bigla akong nakaramdam ng parang tinutusok sa puso.
Natahimik ako.
“o-okay ka lang ba?” tanong niya.
“oo. Sorry may naalala lang ako. Anong kinamatay?” tanong ko ulit.
“leukemia. He’s a great guy kaya sobra siyang minahal ni Kien. Kaya ng mawala siya eh nagbago din si Kien.” Paliwanag niya.
Oh? Kaya pala siya ganun? Pareho lang pala kami ng dahilan ng pagpapabago eh.
BINABASA MO ANG
ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)
Teen FictionTHIS IS A WORK OF FICTION. kung may Makita or mabasa man kayong sa tingin niyo katulad ng sa iba. sarili ko po itong gawa at kathang isip. salamat ng marami sa lahat ng magbabasa, bumabasa at nagbabasa! ^__^