CHAPTER 42: FIRST MISUNDERSTANDING

7.3K 86 3
                                    

CHAPTER 42: FIRST MISUNDERSTANDING

 

 

 

 

KIEN’S POV

“Chase! Please wag na tayo sabay pumasok. Sige na oh!”

 

 

“NO! N-O. Hindi.”

Tss! Nakakainis! Kanina pa ako nakikiusap, nagpapaawa. Waepek. Ampupu!

Simula nung umuwi kami nung isang araw galing ospital, yun na yung pinapakiusap ko.

Ngayon, lunes na. Yun parin pinakikiusap ko.

Eh palibhasa bato ata talaga puso nito. Hindi manlang manlambot sa pagpapaawa ko. Nakakaasar na!

Sumimangot ako.

“wag ka sumimangot dyan. Di uubra yan sakin. Halika na. Pasok na tayo.” He said pagkakuha niya ng bag niya.

Pareho na kaming papasok. Sabay klase naming ngayon pero ayaw ko talaga sumabay sa kanya.

Umiling ako.

He sighed.

Umupo sa tapat ko.

“bakit ba ayaw mong sumabay?”

Bakit nga ba ayaw ko?

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon