Inihatid na ako ni Lorenz sa may amin. Hindi na ko nagpasundo sa driver kasi kung lalakarin mo mula park hanggang sa amin ay 30 minutes lang. O diba? Nagkaroon pa ko ng mas mahaba pang oras para makasama si Labidabs, diba?
Habang naglalakad kami, biglang nagsalita si Lorenz...
"bes, natanggap ba nung ate mo yung gift ko sa kanya?"
"UHM..... yeah! Bakit?" nakakainis! Si ate na naman yung tinanong.
"wala lang. Nagustuhan ba niya??"
"OO. Todo ngiti pa nga eh."
"Talaga?"
Bigla siyang pumunta sa harap ko. Tapos niyugyog niya ako. ANG SAYA NIYA TALAGA AH! Parang magkalasug-lasog na yung katawan ko sa sobrang yugyog niya. So, bigla ko siyang tinulak...
Nagulat siya sa ginawa ko. Kaya tinanong niya ko...
"bes, may problema ba?"
"ikaw kaya yugyugin ko nang ganun? Parang makakalas na yung mga buto ko eh!" ang totoo niyan naiinis ako kasi ate na lang lagi topic namin. Nakakasawa na!
"uy sorry na!" weeeeeeeeeeeeeeeeee... ^______^ wag kang ngumiti! Lalo akong hindi maiinis sayo eh.
"please??" grabey! Pacute pa talaga siya.
"oo sige na. Apology accepted!"
Sa sobrang saya niya, bigla niya akong niyakap. Gosh! Tama na! Kinikilig na ko! Weeeeeeeeeeeeeee..... ^______^
"halika na! Gabi na oh!" ako na ang tumapos dahil baka hindi ko na 'to bitawan.
Lorenz' POV
Grabe! Ang saya ko talaga! Akalain mo yun nagugustuhan din pala ni Ate Clarisse yung binigay ko sa kanya. That would make a man happy. AS IN! SUPER!
At eto pa! Siya pa ang nagbukas ng pinto kay Sabina. How lucky I am, di ba? Sakto kasing nasa garden siya ng mga panahon na yun.
*flashback*
"O, bakit ngayon ka lang?" sweet naman niya.
"sorry ate! Napasarap kasi yung laro namin ni Lorenz sa park eh."
"ah ganun ba? Sige pumasok na kayo sa loob at magpapahanda lang ako ng dinner." Grabe! Ang ganda ng smile niya...
Hindi ko napansin na napatulala na naman ako sa kanya....
"Lorenz, okay ka lang ba?"
"hoy bes!" aray naman! Ang sakit kung sumiko ni bes! Panira ng moment!
"oo! Okay lang ako."
Ay grabe! Pinairal ko naman ang pagkatorpe ko....
BINABASA MO ANG
ikaw pa rin(try ko lang) (On hold)
Romancefirst story ko to so please bear with me... pag madaming likes yung prologue, itutuloy ko to... super thanks...:))