Sabina's POV
nandito kami ngayon sa may airport. nagpasama kasi si Lorenz sa akin para sunduin ang pinsan niyang si Cholo. Ewan ko ba dito at ako pa ang naisipan niyang isama dito. Eh alam naman niyang ayoko sa pinsan niya. AS IN AYOKO! Ang yabang kasi ng pinsan niya. parang akala mo kung sinong napakagwapong nilalang! argh! nakakainis! gusto ko siyang sapakin!
anyway, five hours na kaming naghihintay dito pero wala pa rin siya. grabe! kung hindi ka lang pinsan nitong si Lorenz, baka umalis na ko dito noh.
an after five hours and five minutes na paghihintay.......
andito na si Mr. Mayabang!
"pinsan!" ang saya saya pa nila grabe! paguntugin ko kaya kayong dalawa
"sino 'yang kasama mo? girlfriend mo?" girlfriend? say yes Lorenz... please say yes..
"hindi mo ba siya natatandaan? si sabina yan, yung bestfriend ko." kainis naman oh!
"ah! siya ba yun? hindi ko akalain na magiging ganyan ka kaganda." excuse me! matagal na kong maganda!
"kamusta? may boyfriend ka na ba?" dagdag pa niya
"wala pa. at kung meron man, hindi siya katulad mo."
"grabe! ang sungit mo pa din pag dating sa 'kin ah! crush mo pa din ba ko?" grabe! ang hangin na dito sa may airport...
"hell no! hindi ko type ang mga katulad mong mayabang!" that's true! si Lorenz lang ang type ko...
"hephep! nagkakainitan na ata kayong dalawa. tara na at hinihintay na tayo ni mommy sa bahay." si Lorenz. buti naman at pinigilan mo na kami dahil baka ano pang gawin ko diyan sa pinsan mo...
so ayun, nandito na kami sa bahay nila Lorenz...
"Tita Angeli!!!!!!!!!!" patakbong bati ni Cholo kay Tita Angeli...
"oh cholo! i miss you iho!"
parang anak na kasi ang turing ni Tita Angeli kay Cholo. ewan ko ba, pero mabait siya pagdating sa iba pero sa 'kin... HINDI!!!
so ayun, pumasok na kami sa loob. umupo na agad ang prinsesito! ang labidabs ko naman... ayun inaakyat yung mga bagahe ni Mr. Mayabang! kawawa naman ang labidabs ko...
"Sabina, upo ka dito."
"ayoko nga! baka ano pang gawin mo sa akin."
"ayaw mo talaga?"
"ayaw!" sigaw ko sabay irap sa kanya...
bigla niya kong tinulak papunta sa may sofa...
"bakit mo ginawa yun?"
"eh kasi ayaw mong umupo sa tabi ko eh..."
"ewan ko sayo!" lumipat na ko sa kabilang sofa para hindi na niya ako tabihan...
"so, totoo ba talagang wala kang boyfriend?"
"ang kulit mo rin eh noh? wala nga eh!" ang kulit niya talaga! naiinis na ko...
"so, pwede akong manligaw sayo?"
"nagjojoke ka ba?" nabigla ata ako sa tanong niya...
"no. im serious Sabina."
tumawa na lang ako. then, tumayo para puntahan si Lorenz sa taas...
Cholo's POV
nakakainis naman 'tong si Sabina! lagi na lang akong iniisnab! sobrang inis ba talaga siya sa 'kin kaya ayaw niyang maniwala sa sinabi ko kanina?
mga bata pa lang kami si Sabina ang gusto ko. hindi ko nga alam kung bakit eh. matagal ko nang tinatago 'tong nararamdaman ko kasi ang alam ko si Lorenz ang gusto niya. si Lorenz pa nga ba?
"Cholo!!!!!!!!!!!"
nandito na naman siya!
"what are you doing here?"
"namiss kasi kita. ako hindi mo ko namiss?"
"HINDI!!!!!!!!!" diin ko talaga kasi ayoko talaga kay Clarisse...
"bakit naman?"
"kasi ayoko sayo! bakit ba ang kulit mo?"
"sorry ah... pero namiss talaga kita eh." yan na naman siya!
"pwede ba maghunos dili ka? parang hindi ka babae niyan eh...
"sorry naman..." bigla siyang umayos ng upo...
BINABASA MO ANG
ikaw pa rin(try ko lang) (On hold)
Romantikfirst story ko to so please bear with me... pag madaming likes yung prologue, itutuloy ko to... super thanks...:))